Pagtataguyod sa mga Magsasaka ng Limay sa pamamagitan ng Sagip Saka!

Ngayong araw, Agosto 11, 2025, ginanap sa Department of Agriculture-Central Office ang pitching ng NAGKABATI Farmers’ Cooperative and Association (FCA) para sa ₱25 milyong pondo sa ilalim ng Sagip Saka Program. Ang inisyatibong ito ay buong pusong sinusuportahan ng MLGU-LIMAY sa pangunguna nina Mayor Richie Jason D. David, Vice Mayor Grace R. David, at mga SB Members, kasama ang Office of the Municipal Agriculturist na pinangungunahan nina Joselito D. Galicia at Engr. Jeremie S. Sagrado.

Ang Sagip Saka Program ay isinusulong nina Senador Francis “Kiko” N. Pangilinan, DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., at DA Assistant Secretary Atty. Joycel R. Panlilio, na naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura sa Limay, Bataan.

Ang panukalang pondo ay gagamitin upang suportahan ang produksyon, pag-aani, post-harvest processing, at marketing ng palay, high-value crops (HVC), at mga alagang hayop. Tugma ito sa layunin ng Sagip Saka Act of 2019 na gawing entrepreneur ang mga magsasaka at mangingisda, upang mapalakas ang kanilang kabuhayan at mapabuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay.

Ang pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga lokal na asosasyon ng magsasaka ay patunay ng tunay na malasakit at suporta sa agrikulturang Pilipino. Sa pagbibigay ng tamang tulong at pondo, layunin nitong palakasin ang seguridad sa pagkain at itaguyod ang sustainable farming practices sa buong Limay.

Leave your message