Kahapon, August 18, 2025, isinagawa ang courtesy visit ni Bataan Peninsula State University (BPSU) President Ruby Matibag kay Mayor Richie Jason D. David.

Isang makabuluhang pag-uusap ang naganap hinggil sa pagpapatibay ng ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Limay at BPSU para sa mas maraming oportunidad sa edukasyon at pagpapaunlad ng mga kabataan at mamamayan ng ating bayan.

Kabilang sa mga natalakay ang:

Planong magkaroon o humanap ng mga iskolar mula Limay para sa School of Medicine, upang mas maraming Limayeño ang makapagpatuloy ng pag-aaral at makapagsilbi sa kanilang komunidad.

Ang kasalukuyang feasibility study para sa pagtatayo ng BPSU Campus sa Limay na maglalapit ng edukasyon at magbubukas ng mas marami pang kurso para sa mga kabataan ng ating bayan.

Isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa mga Limayeño

Leave your message