The Business Permits and Licensing Office (BPLO), hereby informs all business owners that the 2026 Business General Registration will be conducted on January 5 to January 23, 2026, following the schedule below: REGISTRATION SCHEDULE BY BARANGAY January 5 – Duale January 6 – Wawa / Poblacion January 7 – SFDA January 8 – Landing January 9 – Kitang I January 12–14 – Reformista / Market / LPC / Limay Park January 15–16 – Townsite January 19 – Bo. Luz January 20 – SFII January 21–23 – Lamao, Alangan, Companies & Contractors Business owners are advised to appear on their designated schedule and bring complete requirements to avoid delays. For guidance and compliance, kindly observe your assigned barangay schedule. Thank you for your cooperation.
𝐌𝐚𝐧𝐢𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐨𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚-𝐋𝐢𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧𝐬!
Malugod na bumabati ang Pamahalaang Bayan ng Limay, sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, kasama si Vice Mayor Grace David at ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, ng isang masagana, ligtas, at mapagpalang Bagong Taon para sa bawat mamamayan ng Limay. Nawa’y magsilbing panibagong simula ang taong ito upang higit nating mapagtibay ang pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan tungo sa mas maunlad at mas progresibong bayan. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbibigay ng tapat at mahusay na serbisyo para sa kapakanan ng bawat Limayeño. Maligayang Bagong Taon! Mabuhay ang Bayan ng Limay!
𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗟𝗠𝗣 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥
Kahapon, ika-13 ng Nobyembre 2025, muling nagtipon ang mga Punong Bayan ng Lalawigan ng Bataan para sa pagpupulong ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Bataan Chapter. Dumalo rin sa pagtitipon sina Governor Joet Garcia, Congressman Jett Nisay, Judge Juliet Salaria, Judge Philger Noel Inovejas, at Atty. Rosario Gaspar, na nagpahayag ng kanilang buong suporta sa mga proyekto at programang isinusulong ng bawat bayan sa lalawigan. Pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Limay, sa pamumuno ni Mayor Richie David, katuwang si Vice Mayor Grace David at ang mga Konsehal ng Bayan, ang matagumpay na pagdaraos ng nasabing pagtitipon. Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang mga hakbang at programang magpapatuloy sa pagsulong ng kaunlaran at mas inklusibong progreso para sa bawat bayan ng Bataan. Sa naturang pagtitipon, binigyang-diin at kinilala rin ang mga karangalang natamo ng iba’t ibang barangay sa mga programang Husay Barangay at Seal of Healthy Barangay. Dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa United Architects of the Philippines (UAP) at tinalakay nila ang pagpapatupad ng mga requirement para sa architectural permit bilang bahagi ng pag-isyu ng mga building permit, alinsunod sa National Building Code of the Philippines (PD 1096). Gayundin ang pagtitiyak ng pagsunod sa pambansang batas ukol sa gusali at kaligtasan, pati na rin sa mga lokal na ordinansa na isang mahalagang bahagi ng ligtas at maayos na pagpapaunlad ng mga proyekto sa buong Bataan. Nakasama rin natin ang GCash bilang katuwang sa pagsusulong ng mga makabagong proyekto at inisyatiba para sa lalawigan. Ginanap naman noong hapon ang regular na meeting ng Peace and Order Council ng probinsya na pinangunahan ni Governor Joet Garcia kasama si Vice Gov. Cris Garcia. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa PNP, PDEA, Army, MBDA, DILG, at DepEd upang talakayin ang mga kasalukuyang isyu at programa para sa kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. Sa pagkakaisa ng bawat bayan, patuloy nating itinataguyod ang isang Bataan na maunlad, masigla, at tunay na nagkakaisa.
𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗘𝗫𝗛𝗜𝗕𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗚𝗔𝗠𝗘𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟱 – 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗬 𝗘𝗗𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡!
Isang hapon ng sigla, kasiyahan, at sportsmanship ang bumida sa ginanap na Basketball Exhibition Games 2025 noong Oktubre 11 sa Limay Sports Complex! Puno ng sigawan at palakpakan ang buong venue habang nagtagisan ng galing sa court ang mga koponang: Centennial Group 40+ Limay Basketball Association Dream Team Sakuragi Kabataang Limayan Team Main Event: GILAS LEGENDS Limay Selection Team Napuno ng halakhakan at saya ang buong palaro dahil sa energetic at nakakaaliw na partisipasyon ng Team Sakuragi, na nagbigay ng kakaibang kulay at aliw sa bawat manonood! Tampok din sa main event ang mga kilalang pangalan sa Philippine basketball — sina Ranidel De Ocampo, Yancy De Ocampo, Cyrus Baguio, Willie Miller, Jeff Chan, at Gary David kasama ang espesyal na pagdalo ni Cong. Jett Nisay! Eto ay ginanap bilang promosyon ng healthy lifestyle, patunay na ang sports ay walang pinipiling edad at nananatiling daan tungo sa mas aktibo, mas masigla, at mas masayang komunidad! Ang matagumpay na kaganapang ito ay handog ng Pamahalaang Bayan ng Limay, sa pangunguna nina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David, at ng mga Konsehal ng Bayan, bilang pasasalamat at handog kasiyahan sa lahat ng Limayeños. Sa Limay, bawat laro ay larong may puso, saya, at pagkakaisa!
Kasabay ng pagpatak ng ulan ang hiyawan, tawanan, at rak-rakan sa ginanap na Fiesta Groove: Music Comedy Party! noong Oktubre 10, 2025 sa Limay Park
Puno ng enerhiya, sigla, at halakhak ang gabi na tampok ang mga espesyal na bisitang sina DJ Arra, ang mga komedyanteng MC & Lassie na naghatid ng walang humpay na tawanan, at ang pinakaaabangang banda na Kamikazee (KMKZ) na nagpayanig sa buong entablado at nagpaindak sa bawat Limayeño! Isang gabi ng tunay na kasiyahan, pagkakaisa, at pagmamahal sa sariling bayan, patunay na kahit bumuhos man ang ulan, hindi mapipigil ang diwa ng selebrasyon at pagkakaisa ng mga Limayeño! Ang makulay na gabing ito ay handog ng Pamahalaang Bayan ng Limay, sa pangunguna nina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David, at ng mga kagalang-galang na Konsehal ng Bayan, bilang pasasalamat sa walang sawang suporta, pakikiisa, at pagmamahal ng bawat Limayeño sa ating bayan.
𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐆𝐮𝐫𝐨!
Ipinagdiwang sa bayan ng Limay ang makabuluhan at masayang Teachers’ Day Celebration, bilang pagkilala sa dedikasyon at walang sawang paglilingkod ng ating mga guro, ang tunay na haligi ng edukasyon at inspirasyon ng kabataan. Dinaluhan rin nina Mayor Richie Jason David at Vice Mayor Grace David, kasama ang mga natatanging guro mula sa ating bayan, ang programa bilang simbolo ng pasasalamat at pagpapahalaga sa kanilang malaking ambag sa komunidad. Maraming salamat, mga guro, sa inyong pusong naglilingkod at sa patuloy na paggabay sa mga kabataan tungo sa magandang kinabukasan!
𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗔𝗣𝗢 𝗜𝗞𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟱
Halina’t makiisa at makisaya sa mga inihandang aktibidad ng pamunuan ng bayan ng Limay bilang bahagi ng ating pananampalataya at tradisyon para sa nalalapit na kapistahan ni Apo Iko! Isang makabuluhan at makulay na selebrasyon ng ating debosyon kay Apo Iko. Sama-sama nating ipakita ang diwa ng kasiyahan at pagkakaisa ng bawat Limayeño! #1limay #Pistangbayan2025
𝐇𝐀𝐓𝐀𝐖 𝐓𝐀𝐊𝐁𝐎 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍-𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘 𝐋𝐄𝐆 𝟐𝟎𝟐𝟓
Isang makulay, masigla, at matagumpay na Hataw Takbo Bataan ang muling isinagawa sa bayan ng Limay bilang bahagi ng programang itinataguyod ni Gov. Joet Garcia para sa isang healthy lifestyle at tobacco-free generation! Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng runners na lumahok at sumuporta. Salamat din po sa mga sponsors- Pocari Sweat, Fit Bar, at Mogu Mogu. Congratulations po sa mga nagwagi at nakatanggap ng premyo. Pinangunahan ang aktibidad ng Pamunuan ng Bayan ng Limay sa pangunguna nina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David, at mga Sangguniang Bayan Members na sina Konsehala Sarah David, Konsehal Dennis Gochuico, Konsehal Manny Ambrocio at Konsehal Cesar Dela Rea. Kasama ring nakisaya sa aktibidad at nagbigay suporta si Ma’am Michelle S. Gochuico na Chief ng LTO Vistamall Licensing Office. Kasama rin natin sina Vice Gov. Cris Garcia, Bokal Popoy Del Rosario, Bokal Noel Valdecañas, Bokal Vic Baluyot, at Bokal Iya Roque, na nagbigay suporta sa makabuluhang programa. Maraming salamat sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Limay, sa General Services Office (GSO), sa ating PNP Limay, at sa lahat ng kawani at volunteers mula sa iba’t ibang tanggapan at barangay na nagbigay ng kanilang panahon at serbisyo. Maraming salamat din sa ating katuwang na MBDA at Bataan Running Club (BRC) na patuloy na kasama sa bawat leg ng Hataw Takbo Bataan. Isang Limay na malusog, aktibo, at masaya na kaagapay ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mas magandang kinabukasan.
Kahapon, August 18, 2025, isinagawa ang courtesy visit ni Bataan Peninsula State University (BPSU) President Ruby Matibag kay Mayor Richie Jason D. David.
Isang makabuluhang pag-uusap ang naganap hinggil sa pagpapatibay ng ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Limay at BPSU para sa mas maraming oportunidad sa edukasyon at pagpapaunlad ng mga kabataan at mamamayan ng ating bayan. Kabilang sa mga natalakay ang: Planong magkaroon o humanap ng mga iskolar mula Limay para sa School of Medicine, upang mas maraming Limayeño ang makapagpatuloy ng pag-aaral at makapagsilbi sa kanilang komunidad. Ang kasalukuyang feasibility study para sa pagtatayo ng BPSU Campus sa Limay na maglalapit ng edukasyon at magbubukas ng mas marami pang kurso para sa mga kabataan ng ating bayan. Isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa mga Limayeño
𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐎 𝐍𝐈 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐑𝐈𝐂𝐇𝐈𝐄 𝐃𝐀𝐕𝐈𝐃 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍
Nitong ika-18 ng Agosto 2025 ay nagcourtesy visit ang bagong Bataan TESDA Director Juliette Feliciano at buong team nito. Pinag-usapan ang mga proyekto at programa ng TESDA sa mga community-based at skills trainings gayundin ang assessment para sa pagkakaroon ng NC-2 testing facility na malaking tulong para sa pag-apply ng trabaho ng bawat Limayan. Nagbigay ng update report si PESO Limay Evangeline Mariano sa mga achievements ng PESO at mga proyektong nais na mangyari ni Mayor Richie Jason David para sa kapakanan ng mga Limayan. Nagbigay din ng buong suporta ang TESDA sa pamamahala ng PESO sa ating Training Center na kapareho sa setup sa Tarlac. Asahan po natin na tuloy-tuloy ang mga programa at benepisyo para sa ating mga kababayan.