Sa pangunguna ni Vice Mayor Grace David kasama ang LGBTQIA+ President Jeffrey Reyes at mga opisyales nito, isinagawa kahapon, araw ng Lunes ang pormal na panunumpa ng mga bagong LGBTQIA+ officers ng Limay. Patunay ito sa pagkilala sa mahalagang papel ng LGBTQIA+ sa ating komunidad upang magkaroon ng isang bukas, pantay at makatarungang pamayanan. Ang mga bagong opisyal ay manunungkulan bilang kinatawan ng sektor na matagal nang lumalaban para sa pagkakapantay-pantay, dignidad, at karapatang pantao. Magiging katuwang sila sa pagbuo ng mga programang tutugon sa diskriminasyon at iba pang isyung kanilang kinakaharap. Ang paghahatid ng isang epektibo at serbisyong may puso ay hindi lamang nasusukat sa kasarian, kundi sa malasakit, katapatan, at kahandaang tumulong para sa kapwa. Mabuhay ang mga bagong LGBT officers ng Limay! Isang patunay ito na sa Limay ay may puwang ang lahatโ anuman ang kanilang kasarian o pagkakakilanlan.
๐๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ | ๐๐จ๐๐ฌ๐ข ๐ญ๐ฐ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
Ginanap po ang seremonya sa pagtataas ng bandila ngayong araw sa Limay Sports Complex, Brgy. Reformista, Limay, Bataan. Ngayong buwan ng Hulyo, ang ating bayan po ang napili ng Pamahalaang Panlalawigan at ang mga kabataan na kinabukasan ng ating bayan at lalawigan naman po ang sentro ng programang bisita bayan kada buwan. Ilan po sa mga tinalakay natin ay ang mga mahahalagang programa gaya ng Teen Information Center, Tobacco-Free Generation, Mental Health Awareness, Sports and Active Lifestyle, at Iskolar ng Bataan. Layon po ng programa na siguruhin ang kanilang magandang kinabukasan at bigyan sila nang mas maraming oportunidad tungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap sa buhay. Nagkaroon din po ng pagkakataon na magkaroon ng talakayan sa pagitan ng Sangguniang Kabataan ng Limay at Iskolar ng Bataan kay Governor Joet Garcia upang bigyang linaw ang mga katanungan at pakinggan ang kanilang mga pangangailangan at mungkahi. Kasabay po ng programa ay ang paggawad ng parangal sa mga atletang mag-aaral mula sa ating lalawigan na lumahok sa Palarong Pambansa at na-uwi ng karangalan sa ating lalawigan. Bukod pa po dito, sa harap ng mga opisyales ng lalawigan at mga mamamayan ng Limay, nagbigay-ulat si Mayor Richie Jason David kaugnay sa mga tagumpay at inisyatiba ng kanyang administrasyon, gayundin ang mga plano at proyekto na nakatuon sa patuloy na pag-unlad ng bayan. Mula sa mga programa sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at imprastraktura, ipinakita ng alkalde ang direksyon ng kanyang pamumuno tungo sa isang mas progresibong Limay. Nakasama po sa programa sina Governor Joet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David,SK Federation President AJ Joaquin at SK Federation Limay, SP at SB Members, DEPED Bataan SDS Carolina Violeta, mga kinatawan mula sa HPB, POPCOM, PSWDO, BYDO, gayundin ang mga opisyal at kawani ng yunit pamahalaang lokal at mga punong barangay.
๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ฆ๐๐ฒ!
Ngayong araw ay pormal na tinanggap ng ating Mayor Richie Jason D. David ang isang (1) Patient Transport Vehicle o PTV mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ito ay ginanap sa Quirino Grandstand sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang iba pang opisyales ng gobyerno at opisyales ng ibaโt ibang bayan na makatatangap ng donasyon. Bawat PTV ay may stretcher, oxygen tank, at blood pressure monitor upang makasiguro sa maayos, ligtas at maagap na pagdadala ng pasyente patungo sa pasilidad medikal. Ang Pamahalaang Bayan ng Limay ay lubos ang pasasalamat sa PCSO sa pagsuporta sa mga proyektong pangkalusugan ng mga lokal na pamahalaan. Isang hakbang tungo sa mas maayos at episyenteng serbisyong pangkalusugan para sa bawat Limayans!
๐๐ฅ๐๐ ๐ฅ๐ข๐๐ ๐ฆ๐๐๐๐ง๐ฌ ๐๐ช๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฆ๐ฆ ๐ฆ๐๐ ๐๐ก๐๐ฅ ๐๐๐ก๐๐ข๐ ๐ก๐ ๐๐๐จ ๐๐๐ ๐๐ฌ ๐๐ง ๐ฅ๐ฆ๐๐ฃ ๐๐๐ง๐๐๐ก
Inaanyayahan namin ang lahat ng drayber at motorista na makilahok sa libreng Safety Road Awareness seminar na ito sa darating na Hulyo 13, 2025 araw ng Linggo sa Limay Sport Complex, simula 8:00 am – 05:00 pm. Layunin nitong makapagbigay ng karagdagang kaalaman sa reponsable at ligtas na pagmamaneho sa kalsada. Ikinalulugod namin ang inyong partisipasyon sa pagpupulong na ito.
๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Ginanap kahapon, ika-7 ng Hulyo 2025 ang unang araw ng trabaho ng 150 SPES beneficiaries na estudyante mula sa Limay Polytechnic College (LPC) sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES). Sa pangunguna ni PESO Manager Evangeline C. Mariano, ipinaliwanag sa mga mag-aaral ang mga alituntunin at regulasyon na dapat sundin sa kanilang panahon ng pagtatrabaho. Nagbigay naman ng inspirasyon at motibasyon sa mga kabataan ang ating butihing Pangalawang Alkalde, Kgg. Grace R. David, at ang mahal nating Punong Bayan, Kgg. Richie Jason D. David. Ang mga SPES beneficiaries ay naitalaga sa iba’t ibang departamento sa munisipyo, pati na rin sa mga barangay at pampublikong paaralan. Sila ay magseserbisyo ng kabuuang 180 oras o 20 araw, at makatatanggap ng sahod mula sa Local Government Unit (LGU) Limay at sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ang sahod na kanilang matatanggap ay malaking tulong bilang pandagdag sa kanilang allowance sa pag-aaral, na makatutulong upang maipagpatuloy nila ang kanilang edukasyon nang mas magaan para sa kanilang pamilya. Kami po ay taos -pusong nagpapasalamat sa ating butihing Mayor Richie Jason D. David, Vice Mayor Grace R. David, sa buong Sangguniang Bayan, at sa PESO Limay sa walang sawang suporta at pagbibigay ng makabuluhang oportunidad sa mga kabataang Limayans. Isa itong malaking hakbang patungo sa kanilang personal na pag-unlad at tagumpay sa hinaharap.
๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ๐๐ฌ๐ฒ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ญ | ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ฅ๐๐ญ๐ ๐๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฌ ๐๐๐ญ๐๐๐ง
Nag-courtesy visit noong Biyernes, ika-4 ng Hulyo 2025 ang ANGATLETA SPORTS BATAAN kay Mayor Richie Jason D. David bilang pasasalamat sa walang-sawang suporta ng pamahalaang bayan para sa mga kabataang atleta. Matapos mag-uwi ng bronze medal sa katatapos na Smart Spike Invitational sila ay muling maghahanda para sa isang mas malaking laban, ang Gameville Fil-Nation International Volleyball League Season 2. Ang Pamunuan ng Limay ay patuloy ang pagbibigay ng oportunidad at inspirasyon sa mga programang pangkabataan at pampalakasan upang maipamalas ang kanilang galing โ hindi lang sa akademya, kundi maging sa larangan ng isports.
๐ฃ๐๐ฆ: “๐๐๐ฒ๐ป๐๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ”
Naganap kahapon, July 4, ika-9 ng umaga ang isang makabuluhang ugnayan at usapan kasama ang mga leaders ng Senior Citizens ng 12 Barangays,.at noong ika-1 ng hapon ay inilaan para sa ating mga PWDs. Nagkaroon ng kwentuhan sa mga saloobin, hinaing, at mga kahilingan ng Senior Citizens at PWDs. Naki-isa ang ating Vice Mayor Grace David sa mga kaganapan na pinangunahan ni PGS Focal Person SB Manny Ambrocio at OSM Chairperson Faye Fernando. Buo naman ang suporta sa mga ganitong uri ng programa ng buong pamunuan sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David.
๐ข๐๐ง๐-๐ง๐๐๐๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐ฅ๐ก๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ข๐ก๐ฌ
๐๐จ๐ก๐ ๐ฏ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ Isang makasaysayang araw ng pagkilala at panibagong paninindigan para sa mga lingkod-bayan ng Bataan! Sa ginanap na Oathtaking Ceremony sa Peopleโs Center, Balanga City, sa pangunguna ni Governor Joet S. Garcia ay sabay-sabay na nanumpa ang mga bagong halal na opisyal mula sa ibaโt ibang munisipalidad ng lalawigan. Isang kaganapang nagpapakita ng pag-kakaisa, panibagong pananagutan, at iisang layunin upang makapag dulot ng makabuluhang pagbabago para sa buong lalawigan ng Bataan. Samantala, kasunod ring ginaganap ang Oath-taking and Turnover Ceremony ng mga bagong halal na lokal na opisyal ng Bayan ng Limay sa Limay Municipal Hall Lobby na pinangunahan ni ๐๐๐ฑ๐ด๐ฒ ๐๐บ๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐น ๐ฆ๐ถ๐น๐๐ฎ. Sa muling pagtitiwala ng taumbayan kay ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ฅ๐ถ๐ฐ๐ต๐ถ๐ฒ ๐๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฑ, kasama ang ating bagong ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ-๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ฒ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฑ, at ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan, ๐๐ผ๐ป. ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ต ๐ฉ. ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฑ, ๐๐ผ๐ป. ๐๐ฒ๐ฐ๐ถ๐น ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐. ๐ฅ๐ผ๐ ๐ฎ๐, ๐๐ผ๐ป. ๐ฅ๐ฒ๐๐๐ถ๐๐๐๐ผ ๐ฃ. ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐, ๐๐ผ๐ป. ๐๐ฒ๐ป๐ป๐ถ๐ ๐ฅ. ๐๐ผ๐ฐ๐ต๐๐ถ๐ฐ๐ผ, ๐๐ผ๐ป. ๐ฅ๐ฒ๐บ๐ถ๐ด๐ถ๐ผ ๐ฆ. ๐ง๐ฎ๐๐ฎ๐ด,๐๐ฟ., ๐๐ผ๐ป. ๐ฅ๐ผ๐ฟ๐ ๐ฅ. ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐, ๐๐ผ๐ป. ๐ ๐ฎ๐ป๐ป๐ ๐ฃ. ๐๐บ๐ฏ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ผ, at ๐๐ผ๐ป. ๐๐ฒ๐๐ฎ๐ฟ “๐๐บ๐ฎ” ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐ฎ, asahan po ninyo ang isang pamahalaang mas bukas, makatao, at nakatuon sa tunay na pag-unlad ng buong bayan ng Limay. Nagbigay naman ng isang makabuluhang mensahe si outgoing SB Member na si ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ต๐ฎ๐น ๐ ๐ฒ๐น๐ฐ๐ต๐ผ๐ฟ ๐. ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ at outgoing ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ต๐ฎ๐น ๐๐น๐ณ๐ฟ๐ฒ๐ฑ๐ผ ๐ฉ๐ถ๐น๐น๐ฎ๐๐ถ๐ฟ๐ฎ๐. Ang buong pamunuan ng bayan ng Limay ay nagpapasalamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at pakikiisa sa layunin ng lokal na pamahalaan at nagsilbing matibay na pundasyon ng ating mga tagumpay bilang isang komunidad. Ang selebrasyon na ito ay simula ng isang panibagong kabanata ng serbisyong may puso, lideratong may direksyon, at pamahalaang tapat na serbisyo at diretso sa tao.
๐ฃ๐๐ป๐ผ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป!
Isinagawa ngayong June 25, 2025 ang isang makabuluhang Tree Planting Activity sa Sitio Kinaragan, Brgy. Duale, Limay, Bataan bilang bahagi ng PagbaBAGo: A Million Learners and Trees Campaign ng Office of the Vice President. Sa pagtutulungan ng OVP, CENRO Pilar, PENRO Bataan, at ng LGU Limay, layunin ng aktibidad na makapagtanim ng 3,000 punla bilang ambag sa pangangalaga sa kalikasan at patuloy na edukasyon ukol sa kahalagahan ng mga puno sa ating kapaligiran. Ang pamahalaang bayan ng Limay ay lubos na nagpapasalamat sa OVP sa pagkilala at pagtitiwala na maisama ang aming bayan sa ganitong makabuluhang kampanya. Sama-sama tayong nagtatanim ng pag-asa, para sa isang mas luntiang kinabukasan.
๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฌ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐๐ถ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ณ๐ผ๐น๐ธ๐ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐บ๐ฎ๐
Sa patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Bayan ng Limay sa pangunguna ni Mayor Richie David, Vice Mayor Elect-Grace David, Vice Mayor Sarah David at SB Members, katuwang ang Municipal Agriculture Office, Department of Agriculture at BFAR, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mangingisdang patuloy na nagsusumikap para sa ikabubuti ng kanilang pamilya at ng ating komunidad. Ang pamamahagi ng mga kagamitang pangisda sa 30 registered fisherfolks ay bahagi ng ating adbokasiya na paunlarin ang kabuhayan sa sektor ng pangisdaan. Hinihikayat naming gamitin ito nang wasto at maayos upang higit pang mapalakas ang inyong hanapbuhay. Nawaโy magsilbing inspirasyon ito na patuloy tayong magkaisa para sa mas masaganang Limay, kung saan ang bawat mamamayan ay may pantay na pagkakataong umasenso.