Nagpasalamat kami sa mainit na pagtanggap ng ating mga kababayan sa pagbisita ng mga Partido Federal ng Pilipinas “TAP” Senatorial Candidates, Senator Francis “Tol” Tolentino, dating DILG Secretary Benhur Abalos, at Senator Manny Pacquiao sa bayan ng Limay. Ang mga senadores na ito ay may malaking tulong sa ating probinsya at sa mga taga-Limay. Mainit na tinanggap sila ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, Tourism Chairperson Grace David, mga Sangguniang Bayan Members, at mga lokal na opisyal, kasama na ang pamunuan ng Lalawigan ng Bataan na pinangunahan ni Governor Joet Garcia at 2nd District Congressman Abet Garcia. Maraming salamat po sa inyong suporta!
ANNUAL BUDGET SPECIAL EDUCATION FUND CALENDAR YEAR 2025
ANNUAL BUDGET SPECIAL EDUCATION FUND CALENDAR YEAR 2025
𝟏𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐓𝐎𝐖𝐍 𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒𝐅𝐄𝐒𝐓
Ginanap po kahapon, ika-08 ng Pebrero ang pormal na pagsisimula ng 1Bataan Sports Fest sa pangunguna po ni Congressman Jett Nisay ng Pusong Pinoy Partylist at Panlalawigang Pederasyon ng Sanggunian Kabataan sa pangunguna ni BM Lovely Joy Poblete kasama po ang ating SK President AJ Joaquin at iba pang SK President mula sa iba’t ibang bayan. Ang Bayan ng Limay ay lalaban po sa basketball, men’s volleyball, women’s volleyball, at e-sports. Kasama po sa programa kahapon ang mga kilalang manlalaro mula sa Bayan ng Limay na sina Jeanette Ellar Panaga ngCreamline Cool Smashers at Renz Adrian Villegas ng LPU Pirates. Nakasama rin po ang ating mga Board Members na sina BM Iya Roque, BM Noel Valdecañas, at BM Jomar Gaza. Ang bawat manlalaro po ng Team Limay kasama ang kanilang mga coaches ay makakatanggap ng basketball at volleyball shoes at warmers na mula po sa ating pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Richie David. 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗬!
𝗣𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘂𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗮𝗯𝗼𝘁 𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗟𝗶𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻𝘀
Naisulong na ang proyektong ito taong 2023 sa pamumuno ng ating dating mayor NCD at ngayo’y ipagpapatuloy ng kasalukuyang Mayor Richie David. Sa pangunguna ni Anthony Cesar P. Arellano at Brenda T. Cao, DEPARTMENT MANAGER III, Business Development Department – North Luzon siguradong maisasakaturapan ang abot kayang pabahay sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Pag-ibig Home Development Mutual Fund. Kasama sa pagpaplanong ito ang makapagpatayo ng 5000 units na magiging sapat sa ating kababayan na nangangailangan nito o ng mga pamilyang walang tituladong tirahan. Bukod sa abot kaya, tinitiyak din na ito ay komportableng tirahan. Tulong- tulong ang ating pamunuan upang makapagbigay ng masagana at payapang pamumuhay prayoridad ang Limayans. Tapat na serbisyo, diretso sa tao, para sa Diyos.
𝗖𝗮𝘀𝗵 𝗔𝗹𝗹𝗼𝘄𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗔𝘁𝗹𝗲𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟱
Ngayong araw ay namahagi ang ating lokal na pamahalaan ng cash allowance para mga atleta at manlalaro na kalahok sa Provincial Meet 2025. Sa programa na ito, dito naipakikita ng mga atleta ang kanilang husay at galing sa iba’t ibang larangan ng sports. Ang ating pamunuan sa pangunguna ni Mayor Richie David ay handang sumuporta at magpaabot ng tulong sa mga kabataang nais maabot ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng pagsali sa ganitong uri ng palakasan. “Tapat na Serbisyo, Diretso sa Tao”
Sa mga larawan: Training on Operation and Management of KADIWA Store in Limay
Ngayong araw ng huwebes, ika-7 ng Pebrero, sa pangunguna ng Opisina ng Pambayang Pansakahan ng Limay, katuwang ang DA-AMAD RFOIII at DA-HVCDP matagumpay na naisagawa ang pagsasanay para sa Operation and Management ng KADiWA Store sa bayan ng Limay. Ito ay dinaluhan ng iba’t-ibang pamunuan/FCA sa larangan ng pagsasaka at pangisdaan. Ang programa ay pinasinayaan ng makabuluhang mensahe ni Kon. Alfredo Villaviray, Gng. Carmencita S. Nogoy-Chief, AMAD, G. Sherwin Manlapapaz-Section Chief, APS-AMAD na nagbigay diin ng kahalagahan sa partisipasyon at kooperasyon ng bawat Isa, at magpatuloy sa kabila ng mga pagsubok na kakaharapin. Nagbahagi din ng kanyang mga kaalaman at karanasan si Dr. Leonilo S. Dela Cruz-Resource Speaker, Consultant and Doctor of Veterinary Medicine/KADIWA Store Operator. Ramdam din ang suporta ni DA-ASec. Atty Joycel Panlilio, sa pamamagitan ng kanyang mga kasamahan sa kanyang tanggapan na dumalo sa pagsasanay ngayong araw. Sa patuloy na pag-alalay at pagyakap ng Pamahalaang Bayan ng Limay, sa pangunguna ng butihing Mayor Richie Jason D. David at mga SB Members, ang mga ganitong gawain ay mas nagpapanday sa haligi ng sektor ng Agrikultura at Pangisdaan para sa mga susunod pang henerasyon ng ating bayan. Pagpupugay sa mga Magsasaka at Mangingisda! Pagpalain pa po tayo ng Panginoon!
𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢
Ang ating mahal na Mayor Richie Jason D David ay nagkaroon ng napakahalagang ugnayan sa iniative ng ating Governor Joet Garcia upang mailunsad ang pagpasok ng ating bayan ng Limay sa Performance Governance System (PGS) na hangad ay maging mas maayos, mabilis at tutugon sa tuloy-tuloy na kaunlaran ng ating bayan. Isang makabuluhang serbisyo publiko na may udyok ng pagmamahal sa ating mamamayan ng Limay na walang itatangi. PAGLILINGKOD MULA SA PUSO PARA SA LAHAT Sa tulong ng PGS shared governance principles and assessment tools, ang lahat ng kawani sa bawat departamento ay huhubugin upang maging responsible and empowered sa kanilang trabaho para maisakatuparan ang kani-kanilang vision at mission statements na naka-align naman sa Limay Vision statement. PGS is about effectively sharing governance responsibility aiming for positive outcome impact. Hangad ng ating Mayor Richie at Gov Joet Garcia na maging maligaya, maayos at maginhawa ang buhay ng bawat pamilya sa ating bayan at sa buong probinsya ng Bataan. Salamat po Ma’am Myrna Roman, CoB-Capitol PGS Focal Person at kay Ma’am Apple Tomas sa ginawa nilang City of Balanga PGS Journey presentation Feb 4, 2025 sa LGU Limay PGS TWG Members. Salamat po Mayor Richie! Salamat Gov Joet! God bless 1Limay 1Bataan
𝑪𝒐𝒏𝒈𝒓𝒂𝒕𝒖𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 𝒕𝒐 𝒐𝒖𝒓 𝒏𝒆𝒘𝒍𝒚 𝒄𝒓𝒐𝒘𝒏𝒆𝒅, 𝑩𝒊𝒏𝒊𝒃𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒊𝒎𝒂𝒚 2024 𝑴𝒔. 𝑲𝒚𝒍𝒂 𝑷𝒆𝒓𝒂𝒍𝒕𝒂 𝑩𝒂𝒓𝒅𝒂𝒋𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑺𝑭2
Your success is an evidence of your grace, talent, and poise. You have shown that you are more than just a pretty face – you are a force to be reckoned with. You deserve all the recognition you received since your dedication and hard work have paid off. Limayans will advocate with you and support you to the road to the Bb. Bataan pageant.𝐁𝐢𝐧𝐢𝐛𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐦𝐚𝐲 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐥𝐢𝐬𝐭4th Runner Up- Jan Danielle Arcera (Landing)3rd Runner Up – Ellieza Polon (Alangan)2nd Runner Up – Princess Anne Cerezo (Duale)1st Runner Up – Lovely Habig (Lamao)𝑾𝒆 𝒘𝒐𝒖𝒍𝒅 𝒂𝒍𝒔𝒐 𝒍𝒊𝒌𝒆 𝒕𝒐 𝑪𝒐𝒏𝒈𝒓𝒂𝒕𝒖𝒍𝒂𝒕𝒆 𝒂𝒍𝒍 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒂𝒏𝒅𝒊𝒅𝒂𝒕𝒆𝒔 𝒘𝒉𝒐 𝒅𝒊𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒃𝒆𝒔𝒕 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒑𝒓𝒆𝒔𝒆𝒏𝒕 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚’𝒔. 𝒀𝒐𝒖𝒓 𝒑𝒓𝒆𝒔𝒆𝒏𝒄𝒆 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒕𝒐 𝒔𝒉𝒐𝒘𝒄𝒂𝒔𝒆 𝒃𝒆𝒂𝒖𝒕𝒚 𝒂𝒏𝒅 𝒆𝒎𝒑𝒐𝒘𝒆𝒓𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒊𝒔 𝒂𝒅𝒎𝒊𝒓𝒂𝒃𝒍𝒆. 𝑾𝒆’𝒓𝒆 𝒑𝒓𝒐𝒖𝒅 𝒐𝒇 𝒚𝒐𝒖!This event wouldn’t be possible without the effort of our very own Ms. Grace Robles David the Municipal Tourism Chairperson together with the Municipal of Limay, headed by Mayor Nelson David, Vice Mayor Richie David and Sangguniang Bayan Members, Baranggay Officials, SK Federation and organizers, Mr. Arthur Quezon and Kagawad Angelo Terciño. To our host, Mr. Bisly Osiones who made this event lively and exciting. Special thanks to our three beautiful Judges Ms. Iona Gibss- Mutya ng Pilipinas 2022, Ms. Joy Moreles Nepomuceno- Owner of Selene Beauty and Aesthetic and Ms. Fidelis Mendoza- Owner of Fika, vlogger & influencerLastly, we want to show our gratitude to the list below:Top Sponsor:Mr. Kurt Manansala – Photography and filmsSponsors:Ms.Joy Morales Nepomuceno – Owner of Selene Aesthetic Wellness CenterMs. Fidelis Mendoza – Owner of FikaMs. Corina Silva – Owner of CofinaJ.C Maris Trading CorporationJonazer Skincare DepotBBO General Merchandise Gown RentalCielo’s Flower ShopMunicipal Departments and Staff:MISGSORural Health UnitPNPLSUBFPLimay Troop DancersSingers:Mr. John Rex DizonMr. Minardo Momar𝑨𝒈𝒂𝒊𝒏, 𝑪𝒐𝒏𝒈𝒓𝒂𝒕𝒖𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 𝑳𝒂𝒅𝒊𝒆𝒔! ✨
PAUNAWA:
Kasalukuyang nagkakaroon po ng pagsasaayos ng mga streetlights na naikabit sa ilang Barangay upang mas maliwanag po ang bawat daan sa ating bayan.Asahan po ang mabilis na aksiyon ng ating Lokal na Pamahalaan para sa kaligtasan ng mga motorista at ng ating mga mamamayan.Hinihingi po namin ang inyong pang-unawa.Maraming Salamat po.
PABATID SA PUBLIKO
Ang Lokal na Pamahalaan ng Limay ay hindi po sumasalungat sa Simbahang Katoliko at sa kahit anong relihiyon. Kasalukuyang nangangalap ng mga orihinal na dokumento at mga impormasyon ang ating tanggapan sa usapin tungkol sa ownership ng lote ng Public Cemetery.Napag-usapan po ang posibilidad na pagbili ng karagdagang lote upang matugunan ang problema sa Public Cemetery. Ito ay para patuloy na makapagbigay ang Lokal na Pamahalaan ng Limay ng maayos at disenteng sementeryo para sa mga mahihirap at walang kakayahan sa buhay.Ang mga nagkalat na ataul sa loob ng Public Cemetery at mga sirang nitso ay hindi po ginawa ng MPDC.Ang lahat ng inyong saloobin at suhestiyon ay nakararating sa ating tanggapan. Lahat naman po ay may kalayaan na magpahayag ng kani-kaniyang saloobin sa social media ngunit siguruhin lamang po na ito ay totoo at at hindi para siraan ang ibang tao. Think before you post dahil may batas po tayo laban sa mga pagkakalat ng maling impormasyon sa social media na maaaring magdulot ng kalituhan at hindi pagkakaunawaan ng bawat isa. Tandaan na ang bawat post na ating bibitawan ay may kaakibat na responsibilidad.Maraming Salamat po.