Bataan Healthy School Setting

Ginanap kahapon, February 28, 2025 ang launching ng Bataan Healthy School Setting sa ating bayan na pinangunahan ni Mayor Richie Jason David, kasama ang Deped Representative Dr. Jennifer Alip, Provincial Health Promotion Board Staff Mr. Gabriel Ibasco, Limay Deped Supervisor and Principal, MHO staff.

Ang programang Bataan Healthy School Setting ay inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ng ating mahal na Gobernador Joet Garcia. Layunin nito na mamulat ang mga kabataan na ang pagkain ng masustansyang ulam ay magdudulot sa isang malusog at malakas na pangangatawan.

Ang pamahalaang bayan ng Limay ay kaisa sa layuning panatilihing malusog at malakas ang katawan ng mga kabataan sa ating bayan. Tayo ay nanguna sa pagsimula ng aktibidad na ito sa ating lalawigan at sa pagtutulungan ng pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, buong Sangguniang Bayan Members at Tourism Chairperson Grace David ay nabigyan ng pondo ang nasabing programa.

Kasabay ng programang ito ay ang selebrasyon ng Oral Health Month. Ating binigyan ng Dental check-up ang ating mga estudyante dahil parte ng magandang kalusugan ang matibay at malinis na mga ngipin at sila ay nakatanggap rin ng libreng dental-kit.

Leave your message