Caravan of Services

Limay, Bataan – Ipinagdiwang ang Caravan of Services: “Serbisyong Panlipunan Handog Para Sa Mamamayan” ngayong araw, Marso 18, 2025 sa Limay Sports Complex. Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan ng mga benepisyaryo ng isang libong DSWD’s Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Action Team ng Limay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 – Central Luzon, at ng Pamahalaang Lokal na Bayan ng Limay. Ibinahagi ang mga serbisyo at kaalaman ng iba’t ibang ahensya at organisasyon na kaagapay sa pagtataguyod ng mga programa para sa mga mamamayan. Kabilang sa mga ito ang:

– Municipal Social Welfare and Development Section (MSWDS)

– Municipal Civil Registrar (MCR)

– Municipal Agriculture Office (MAO)

– Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)

– Municipal Health Office (MHO)

– Public Employment Service Office (PESO)

– Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO)

– Department of Trade and Industry (DTI)

– Cocogen Insurance Company, katuwang ng Landbank of the Philippines

Ang mga ahensyang ito ay nagsama-sama upang maghatid ng mga serbisyong makatutulong sa mga pangangailangan ng mga benepisyaryo. Layunin nilang matugunan ang mga kakulangan sa pamumuhay at tulungan na makamtan ang mas maginhawa at mataas na kalidad ng buhay.

Sa pangunguna ng ating Mayor Richie Jason D. David, Vice Mayor Sarah V. David, Sangguniang Bayan members, and Municipal Tourism Chairperson Grace David, patuloy ang pagsusumikap ng mga ahensyang ito na magpadaloy ng mga oportunidad at tiyakin na ang bawat buhay ay pinahahalagahan, at naipapaabot ang mga programa at serbisyo para sa pinaka-nangangailangan.

Leave your message