Isang maalab na pagbati sa lahat ng nagsipagtapos sa isinagawang Graduation Ceremony ng TESDA dito sa ating bayan ng Limay.
Ang buong pamunuan ng bayan ng Limay sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, SB Members at Tourism Chairperson Grace David ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng kinatawan ng TESDA sa patuloy ninyong pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan pagdating sa dekalidad na pagsasanay at edukasyong teknikal. Nagpapasalamat rin po kami sa mga katuwang na Organisayon at Institusyon tulad ng BHMC, LPC, PNOC, LGU Limay, Limay GSO, PESO Limay, ABSIERRA ENTERPRISE, BPSU, San Miguel Corp., Orica Philis. at DICT dahil naisakatuparan ito.
Ang inyong suporta at programa ay nagsisilbing tulay para sa mas maraming oportunidad at mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga mamamayan lalong-lalo na sa mga nagnanais magkaroon ng sapat na kasanayan at kaalaman upang makahanap ng trabaho, makapagsimula ng kabuhayan, at makapag-ambag sa kaunlaran ng ating bayan.
Sa ating mga nagtapos, nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa iba. Dalhin ninyo ang inyong natutunan bilang puhunan sa tagumpay, at huwag kalimutang ibahagi ito sa inyong pamilya at komunidad.


















