I𝗡𝗔𝗨𝗚𝗨𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗢𝗙𝗧 𝗟𝗔𝗨𝗡𝗖𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙 𝗞𝗔𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗘 𝗜𝗡 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗬, 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡

Noong nakaraang Huwebes, Marso 13, 2025 ay pormal ng binuksan ang kauna-unahang permanenteng Kadiwa Store sa Region 3 na katulad ng matatagpuan sa Limay Park, Reformista, Limay, Bataan. Hangarin ng Kadiwa Store na tulungan ang mga mag-sasaka at mangingisda na sila ay direktang makapagbenta ng kanilang mga produkto upang sila ay magkaroon ng mataas na kita. Ang operasyon nito ay palalakasin sa tulong ng programa sa ilalim ng Sagip Saka Act.

Ang pagtatatag nito ay simbolo ng sama-samang pagpapalakas ng sektor ng Agrikultura at pag-papanatili ng seguridad ng mga suplay hindi lamang sa bayan ng Limay kung hindi maging sa buong Central Luzon. Ang programang ito ay inulunsad ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos,Jr., at pakikipag-ugnayan ni noo’y dating Mayor Nelson C. David, at sa inisyatibo ni ngayo’y Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, SB Members at Tourism Chairperson Grace David, ito ay naisakatuparan na.

Ang pag-sisimula ng programa ay pinangunahan nina 2nd District Representative Hon. Abet S. Garcia, Mayor Richie Jason David, Assistant Secretary for HVC and Sagip Saka Act at Deputy Spokesperson of DA Atty. Joycel R. Panlilio, Regional Technical Director for Operation Arthur D. Dayrit at Carmencita S. Nogoy ng DA-RF03.

Maraming Salamat po sa tulong ng PNP, BFP, Department of Agriculture at iba pang mga kawani na nangasiwa at tumulong para sa programang ito.

Leave your message