Kasabay ng pagpatak ng ulan ang hiyawan, tawanan, at rak-rakan sa ginanap na Fiesta Groove: Music Comedy Party! noong Oktubre 10, 2025 sa Limay Park

Puno ng enerhiya, sigla, at halakhak ang gabi na tampok ang mga espesyal na bisitang sina DJ Arra, ang mga komedyanteng MC & Lassie na naghatid ng walang humpay na tawanan, at ang pinakaaabangang banda na Kamikazee (KMKZ) na nagpayanig sa buong entablado at nagpaindak sa bawat Limayeño!

Isang gabi ng tunay na kasiyahan, pagkakaisa, at pagmamahal sa sariling bayan, patunay na kahit bumuhos man ang ulan, hindi mapipigil ang diwa ng selebrasyon at pagkakaisa ng mga Limayeño!

Ang makulay na gabing ito ay handog ng Pamahalaang Bayan ng Limay, sa pangunguna nina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David, at ng mga kagalang-galang na Konsehal ng Bayan, bilang pasasalamat sa walang sawang suporta, pakikiisa, at pagmamahal ng bawat Limayeño sa ating bayan.

Leave your message