"KISLAP Limay 2025-2028"

PAGLILINGKOD MULA SA PUSO

Heto na ang takdang panahon upang ating hubugin ang lahat na kawani ng ating pamahalaan sa isang makabuluhang ugnayan at pagtutulungan na makapabigay ng tamang serbisyong naaayon sa pangangailangan at sa mabilis na pamamaraan.

Si Mayor Richie Jason David ay nakipag-ugnayan sa Institute for Solidarity in Asia (ISA) sa pamamagitan ni Governor Joet Garcia upang mapagusapan at maihanda ang LGU Limay sa enrollment requirements ng Performance Governance System.

Ang ISA-PGS, sa pamumuno ng Project Leader at Executive Director Mr. Christian Peter Emmanuel Zaens, ay naghanda ng pang-unang usapan upang maging malinaw ang intention at direksyon na nakaangkop sa estado o pangangailangan ng bayan ng Limay.

Buong-buo ang suporta ni Governor Joet Garcia sa liderato ni Mayor Richie Jason D David sa magandang adhikain na ito batay sa karanasan ni Gov Joet sa City of Balanga. Kasama sa usapan ang PGB PGS Team ni Ma’am Myrna Roman, ang ISA Team ni Sir Christian at ang mga opisyales at staff ng LGU Limay sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David. Ang tagumpay ng PGS ay may hatid na ginhawa at katatagan ng bawat pamilya sa ating bayan ng Limay. Sama-sama at tulong-tulong tayo sa direksyon ng kaunlaran at katatagan. “KISLAP Limay 2025-2028”

Leave your message