Ang Sangguniang Kabataan (SK) sa pakikipagtulungan sa Land Transportation Office (LTO) ay nag sagawa kahapon, ika-02 ng Abril sa Limay Sports Complex ng libreng Theoretical Driving Course (TDC). Ang TDC ay isang 15-oras na seminar na kinakailangan para makakuha ng Student Permit.
Sa inisyatibo ni SK President AJ Joaquin at mga SK Kagawad ng Barangay Reformista, ang programang ito ay inilunsad at sa tulong ng LTO sa pangunguna ni Regional Director PBGEN Ronnie Montejo (Ret.) Ph.D, Chief Patrick Emmanuel G.Manalo ng LTO Orani, Ma’am Michelle Gochuico ng LTO Balanga at mga staffs ng nasabing ahensya, naisakatuparan ang proyektong ito upang mabigyan ng pagkakataong magkaroon at makapag apply ng libreng lisensya ang mga nais kumuha nito.












