Limay Pawikan Hatchery

Nakaraang taon ng Oktubre, matatandaan na ang ating pamunuan kasama ang Petron Foundation, Provincial ENRO, Limay MENRO, at Brgy. Kitang II at Luz ay nagkaroon ng ground breaking para sa magiging pasilidad ng Limay Pawikan Hatchery. Kamakailan lang ay nagkaroon ng ganap na pagtitipon at unveiling ceremony kung saan napagusapan ang mga hakbang upang maging sustainable ito at maging isang popular na tourist destination.

Ang lokal na advocasiya ng gobyerno ay isang paraan upang maprotektahan ang mga pawikan at patuloy itong mapangalagaan dahil sa malaking ambag nito pagdating sa marine ecosystem. Bukod pa dito, makikinabang din ang komunidad sa mga benepisyo ng turismo na magdadala ng mga oportunidad sa trabaho at kabuhayan.

Sama-sama nating protektahan at ingatan ang likas na yaman ng Limay sa pamamagitan ng inyong suporta dahil ito ay magiging patunay ng kahalagahan ng pangangalaga sa ating mga pawikan. 🐢🌍

Leave your message