Lokal na Pamahalaan ng Limay para sa mga estudyante ng pampublikong elementarya

Muling namahagi ng libreng school uniform ang Lokal na Pamahalaan ng Limay para sa mga estudyante ng pampublikong elementarya.

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng Pamahalaan sa panguguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, ang buong SB Members, at Tourism Chairperson Grace David, na layuning mas suportahan ang mga mag-aaral at kanilang mga pamilya.

Ang mga libreng uniporme ay nagdudulot ng maraming benepisyo, kabilang ang pantay-pantay na pananamit, at mas magaan na gastusin para sa mga magulang. Nakakatulong din ito sa pagpapalaganap ng disiplina at kaayusan sa mga mag-aaral, habang pinapalakas ang kanilang focus sa pag-aaral dahil hindi na nila iintindihin ang kanilang susuot na pamasok sa eskwelahan.

โ€œTapat na serbisyo, Diretso sa tao.”

Leave your message