“Paglilingkod Mula sa PUSO”
Kahapon ika-3 ng Pebrero ay nagkaroon muli ng makabuluhang ugnayan ang ating Mayor Richie Jason D David sa ating masipag naTESDA Bataan Director Mariflor Liwanag patungkol sa pagpapalawak ng mga hatid na “skills and livelihood trainings” para mas makatugon at makatulong sa pagpapatatag ng katayuan ng bawat pamilya sa ating bayan ng Limay.
Isa sa napiling lugar na pagtatayuan ng community-based training center ay ang dating pwesto ng Municipal Health Center. Ipinapahanda na ni Mayor Richie ang magiging layout at ang ibang mga kakailanganin para masiguro ang matagumpay na serbisyo sa ating mga kababayan. Magkakatulungan ang TESDA at ang PESO kasama ang ibang mga pribadong sponsors na gustong makibahagi.sa makabuluhang gawain na ito.
Nais din ni Mayor Richie na maiangat ang estado ng mga PWD, mga kababaihan lalo na ang mga Solo Parents na matulungan nating itawid sa kahirapan ng kani-kanilang sitwasyon. Naniniwala si Mayor Richie na ang tunay na paglilingkod ay nagmumula sa udyok ng PUSO na hangad ay magandang kinabukasan para sa lahat. Walang itatangi at walang maiiwanan.
Pagpalain nawa tayo ng Diyos!
