Ang Lokal na Pamahalaan ng Limay ay hindi po sumasalungat sa Simbahang Katoliko at sa kahit anong relihiyon. Kasalukuyang nangangalap ng mga orihinal na dokumento at mga impormasyon ang ating tanggapan sa usapin tungkol sa ownership ng lote ng Public Cemetery.
Napag-usapan po ang posibilidad na pagbili ng karagdagang lote upang matugunan ang problema sa Public Cemetery. Ito ay para patuloy na makapagbigay ang Lokal na Pamahalaan ng Limay ng maayos at disenteng sementeryo para sa mga mahihirap at walang kakayahan sa buhay.
Ang mga nagkalat na ataul sa loob ng Public Cemetery at mga sirang nitso ay hindi po ginawa ng MPDC.
Ang lahat ng inyong saloobin at suhestiyon ay nakararating sa ating tanggapan. Lahat naman po ay may kalayaan na magpahayag ng kani-kaniyang saloobin sa social media ngunit siguruhin lamang po na ito ay totoo at at hindi para siraan ang ibang tao. Think before you post dahil may batas po tayo laban sa mga pagkakalat ng maling impormasyon sa social media na maaaring magdulot ng kalituhan at hindi pagkakaunawaan ng bawat isa. Tandaan na ang bawat post na ating bibitawan ay may kaakibat na responsibilidad.
Maraming Salamat po.