Pagpupulong sa pamunuan ng Philippine Reclamation Authority (P.R.A.)

Ang inyong lingkod Mayor Richie Jason David kasama ang Engr Department po ay dumalo sa isang pagpupulong sa pamunuan ng Philippine Reclamation Authority (P.R.A.) noong Pebrero 28, 2025 upang talakayin ang mga suliranin at mga kaukulang legal na dokumento ukol sa ating paggamit ng lupa na kanilang pag-aari.Malugod po silang tinanggap ng buong pamunuan. Sa katunayan, ipinaabot nila ang kanilang galak at suporta sa proyektong sinimulan ng dating yumaong Mayor NCD.

Ito daw ay natatangi sa buong bansa at inaasahang makakadulot sa ating lokal na turismo,paggaan sa trapiko,proteksyon sa malalaking alon at magandang sikolohikal na benepisyo sa ating mga kababayan lalo na sa sariwa at magandang tanawin dito.Patuloy pong makikipagugnayan Team 1Limay sa pamunuan ng PRA upang ipagpatuloy ang nasabing proyekto.

Muli, umasa po kayo at magtiwala sa inyong lingkod na ito ay umuusad ayon sa proseso. Huwag po tayong basta maniwala sa mga balitang naglalayon na linlangin tayo sa mga maling impormasyon.

Patuloy po kayong bibigyan ng update ukol sa usaping ito.

Maraming salamat po!

Pagpalain nawa tayo ng ating Poong Maykapal.

Leave your message