Sa mga larawan: Training on Operation and Management of KADIWA Store in Limay

Ngayong araw ng huwebes, ika-7 ng Pebrero, sa pangunguna ng Opisina ng Pambayang Pansakahan ng Limay, katuwang ang DA-AMAD RFOIII at DA-HVCDP matagumpay na naisagawa ang pagsasanay para sa Operation and Management ng KADiWA Store sa bayan ng Limay.

Ito ay dinaluhan ng iba’t-ibang pamunuan/FCA sa larangan ng pagsasaka at pangisdaan.

Ang programa ay pinasinayaan ng makabuluhang mensahe ni Kon. Alfredo Villaviray, Gng. Carmencita S. Nogoy-Chief, AMAD, G. Sherwin Manlapapaz-Section Chief, APS-AMAD na nagbigay diin ng kahalagahan sa partisipasyon at kooperasyon ng bawat Isa, at magpatuloy sa kabila ng mga pagsubok na kakaharapin.

Nagbahagi din ng kanyang mga kaalaman at karanasan si Dr. Leonilo S. Dela Cruz-Resource Speaker, Consultant and Doctor of Veterinary Medicine/KADIWA Store Operator.

Ramdam din ang suporta ni DA-ASec. Atty Joycel Panlilio, sa pamamagitan ng kanyang mga kasamahan sa kanyang tanggapan na dumalo sa pagsasanay ngayong araw.

Sa patuloy na pag-alalay at pagyakap ng Pamahalaang Bayan ng Limay, sa pangunguna ng butihing Mayor Richie Jason D. David at mga SB Members, ang mga ganitong gawain ay mas nagpapanday sa haligi ng sektor ng Agrikultura at Pangisdaan para sa mga susunod pang henerasyon ng ating bayan.

Pagpupugay sa mga Magsasaka at Mangingisda!

Pagpalain pa po tayo ng Panginoon!

Leave your message