Noong katapusan ng Pebrero ngayong taon, aktibong nakilahok ang ating tatlong kawani sa Supervisory Development Course – Track 1, sa pangunguna ng Civil Service Commission – Regional Office III. Mula sa opisina ng LGU’s HRMO, Assessor’s Office, at Mayor’s Office, kasabay nilang nakapagtapos sa tatlong araw na pagsasanay ang 18 na kawani mula sa iba’t-ibang Government Agencies mula sa Central Luzon, kagaya ng DepEd, NEDA, NFA, at marami pang iba.
Ito ay isa lamang sa mga mekanismo na nagpapatunay ng dedikasyon ng Pamahalaang Bayan ng Limay sa mas mahusay at epektibong pamamahala.
Sa pangunguna ng ating Mayor Richie Jason D. David, Vice Mayor Sarah David, buong Sangguniang Bayan ng Limay at Tourism Chairperson Grace David, sama-sama po nating itataas ang antas ng serbisyo publiko, sa pamamagitan ng patuloy na paglinang ng kaalaman, kakayahan, at kaugalian ng ating mga lingkod bayan.











