TINGNAN!

Mga hakbang at aktibidad na isinagawa sa bayan ng Limay upang makontrol at mapigilan ang pag dami ng kaso ng DENGUE.

Ang 1Limay LGU sa pangunguna ng Limay Municipal Health Office, katuwang ang mga Kawani ng mga Barangay at ang komunidad ay sama-samang kumikilos upang pigilan ang pagdami at makontrol ang kaso ng dengue.

Ang ilan sa mga hakbang na isinagawa ay ang mga sumusunod:

1. SEARCH and DESTROY – ang search and destroy ang PANGUNAHIN at MABISANG pangkontrol sa pag dami ng kaso ng dengue. Ito ay ang paghahanap at pagsira ng mga bagay or lugar na pinamumugaran ng lamok.

2. DENGUE AWARENESS CAMPAIGN- Ang pagbibigay impormasyon at kamalayan patungkol sa sakit na dengue ay tiyak na makatutulong upang ang komunidad ay maging handa at magtaglay ng tamang kaalaman upang makontrol ang dengue.

3. EARLY CONSULTATION and DETECTION- Ang Limay Rural Health Unit I at mga Barangay Health Stations ay handa para matignan o ma check-up ang mga myembro ng komunidad kung sila ay may sintomas ng dengue. Mayroon ding mga dengue test na libreng naibibigay sa mga pasyente.

4. FOGGING o pagpapausok na may halong gamot pamatay ng insekto – Isinasagawa lamang ang Fogging kung may banta na ng dengue outbreak sapagkat ang usok na may halong gamot ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng tao at napipinsala o napapatay din nito ang ibang insekto maliban sa lamok. Isinasagawa ang fogging matapos ang aktibidad na SEARCH and DESTROY sapagkat mababalewala lamang ang isasagawang fogging kung mayroon pading mga breeding sites o lugar na pinamumugaran ng lamok.

Leave your message