Halinaโt makiisa at makisaya sa mga inihandang aktibidad ng pamunuan ng bayan ng Limay bilang bahagi ng ating pananampalataya at tradisyon para sa nalalapit na kapistahan ni Apo Iko! Isang makabuluhan at makulay na selebrasyon ng ating debosyon kay Apo Iko. Sama-sama nating ipakita ang diwa ng kasiyahan at pagkakaisa ng bawat Limayeรฑo! #1limay #Pistangbayan2025
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
Isang makulay, masigla, at matagumpay na Hataw Takbo Bataan ang muling isinagawa sa bayan ng Limay bilang bahagi ng programang itinataguyod ni Gov. Joet Garcia para sa isang healthy lifestyle at tobacco-free generation! Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng runners na lumahok at sumuporta. Salamat din po sa mga sponsors- Pocari Sweat, Fit Bar, at Mogu Mogu. Congratulations po sa mga nagwagi at nakatanggap ng premyo. Pinangunahan ang aktibidad ng Pamunuan ng Bayan ng Limay sa pangunguna nina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David, at mga Sangguniang Bayan Members na sina Konsehala Sarah David, Konsehal Dennis Gochuico, Konsehal Manny Ambrocio at Konsehal Cesar Dela Rea. Kasama ring nakisaya sa aktibidad at nagbigay suporta si Maโam Michelle S. Gochuico na Chief ng LTO Vistamall Licensing Office. Kasama rin natin sina Vice Gov. Cris Garcia, Bokal Popoy Del Rosario, Bokal Noel Valdecaรฑas, Bokal Vic Baluyot, at Bokal Iya Roque, na nagbigay suporta sa makabuluhang programa. Maraming salamat sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Limay, sa General Services Office (GSO), sa ating PNP Limay, at sa lahat ng kawani at volunteers mula sa ibaโt ibang tanggapan at barangay na nagbigay ng kanilang panahon at serbisyo. Maraming salamat din sa ating katuwang na MBDA at Bataan Running Club (BRC) na patuloy na kasama sa bawat leg ng Hataw Takbo Bataan. Isang Limay na malusog, aktibo, at masaya na kaagapay ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mas magandang kinabukasan.
Kahapon, August 18, 2025, isinagawa ang courtesy visit ni Bataan Peninsula State University (BPSU) President Ruby Matibag kay Mayor Richie Jason D. David.
Isang makabuluhang pag-uusap ang naganap hinggil sa pagpapatibay ng ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Limay at BPSU para sa mas maraming oportunidad sa edukasyon at pagpapaunlad ng mga kabataan at mamamayan ng ating bayan. Kabilang sa mga natalakay ang: Planong magkaroon o humanap ng mga iskolar mula Limay para sa School of Medicine, upang mas maraming Limayeรฑo ang makapagpatuloy ng pag-aaral at makapagsilbi sa kanilang komunidad. Ang kasalukuyang feasibility study para sa pagtatayo ng BPSU Campus sa Limay na maglalapit ng edukasyon at magbubukas ng mas marami pang kurso para sa mga kabataan ng ating bayan. Isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa mga Limayeรฑo
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Nitong ika-18 ng Agosto 2025 ay nagcourtesy visit ang bagong Bataan TESDA Director Juliette Feliciano at buong team nito. Pinag-usapan ang mga proyekto at programa ng TESDA sa mga community-based at skills trainings gayundin ang assessment para sa pagkakaroon ng NC-2 testing facility na malaking tulong para sa pag-apply ng trabaho ng bawat Limayan. Nagbigay ng update report si PESO Limay Evangeline Mariano sa mga achievements ng PESO at mga proyektong nais na mangyari ni Mayor Richie Jason David para sa kapakanan ng mga Limayan. Nagbigay din ng buong suporta ang TESDA sa pamamahala ng PESO sa ating Training Center na kapareho sa setup sa Tarlac. Asahan po natin na tuloy-tuloy ang mga programa at benepisyo para sa ating mga kababayan.
๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ-๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง
๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐๐, ๐๐๐๐ Isang makabuluhan at produktibong araw ang inilaan nina Mayor Richie Jason David at Vice Mayor Grace David sa pagtanggap at pakikipagpulong sa ibaโt ibang mga sektor para sa patuloy na pagpapaunlad ng bayan ng Limay. Kabilang dito ang mga sumusunod na aktibidad: 1. Courtesy call ni Atty. Abegail Chavez Bautista ng RTC Branch 94 at PAO Lawyer 2. Pagpupulong kasama ang Sangguniang Kabataan para sa mga programang may kinalaman sa mga kabataan sa bayan ng Limay 3. Pagbisita ng mga kabataang atleta na nagwagi bilang 2nd Place sa Futsal Tournament sa Orani 4. Pagpupulong hinggil sa paghahanda para sa nalalapit na Hataw Takbo sa Bayan ng Limay. Patuloy ang pamahalaang bayan sa pagbibigay-suporta sa kabataan, palakasan, at iba pang inisyatibo na magdadala ng pagkakaisa at pag-unlad para sa lahat ng Limayeรฑo.
๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐๐ ๐ข๐ง ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ-๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง
Kahapon, Agosto 12, 2025, ang ating mga lingkod bayan ay patuloy na ginagampaman ang kanilang mga tungkulin na magsilbi nang tapat at buong puso para sa ikauunlad ng ating bayan. Personal na siniyasat ni Mayor Richie Jason David, kasama ang mga opisyal ng bayan, ang E-Trike bilang makabagong, episyente, at makakalikasang alternatibo sa pampublikong transportasyon. Layunin nitong bawasan ang paggamit ng fossil fuel, pangalagaan ang kalikasan, at magbukas ng bagong oportunidad sa kabuhayan. Sa parehong araw, idinaos naman ang Regular Session ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Grace David at mga SB Members kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin tulad ng supplemental budgets, bagong curfew para sa kabataan, at dagdag na police personnel para sa mas maayos na kaayusan at seguridad sa Limay. Nakipagpulong din ang US Peace Corps Philippines Program Manager for Children, Youth, and Family Sector, Ambet Yangco at Peace Corps Volunteer Leader Josh Brown kasama ang LGU Limay upang tapusin ang proseso para sa pagtalaga ng bagong US Peace Corps Volunteer. Ang Amerikanong boluntaryo ay nakatakdang dumating sa Limay sa Setyembre 25, 2025 at maglilingkod ng hanggang 2 taon, na nakatuon sa youth organizing at youth development programs, katuwang ang DSWD 4Ps, MSWD Section Head Faye Fernando, Social Welfare Officer Alecsandra Lima, at Designated Local Youth Development Officer Jhaira Ocampo. Nagkaroon din ng Courtesy Visit mula sa Samahang Basketball sa Pilipinas para humiling ng suporta sa kanilang nalalapit na seminar sa Mariveles, at mula sa Computer Assisted Learning (CAL) Philippines Inc. bilang pakikiisa sa mga programang pang-edukasyon sa ating bayan. Ito ay isang paraan ng pagkatuto kung saan ginagamit ang computer, software, at digital resources para tulungan o dagdagan ang mga tradisyonal pag-dating sa pagtuturo. Lahat ng ito ay kanilang ginagawa hindi para sa pansariling kapakinabangan, kundi para sa kapakanan ng bawat Limayeรฑo. Sa patuloy na pagtutulungan ng pamahalaang bayan at ng mamamayan, tayo ay naniniwala na lalo pa nating maitatatag ang ating bayan na mas maunlad, mas ligtas, at mas masiglang Limay. Dahil dito, tuloy-tuloy ang serbisyo para sa ating bayan. #1Limay
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Ipinagmamalaki naming ipahayag ang kahanga-hangang tagumpay ni ๐๐ญ๐ก๐๐ฅ๐ข๐๐ก ๐๐ข๐ฆ๐๐๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ฌ๐ฉ๐๐ซ๐จ na residente ng Limay, na matagumpay na kinatawan ang Pilipinas sa ๐๐ค๐๐ญ๐ ๐๐ฌ๐ข๐ ๐๐๐๐, isang pandaigdigang kompetisyon sa figure skating na ginanap sa Jakarta, Indonesia mula Agosto 2โ11, 2025. Sa kanyang pambihirang husay at determinasyon, nakamit niya ang 5 gintong medalya at 1 pilak sa anim na larangang kanyang sinalihan. Tunay kang inspirasyon para sa lahat ng kabataang Pilipino. Congratulations, Athaliah!
Pagtataguyod sa mga Magsasaka ng Limay sa pamamagitan ng Sagip Saka!
Ngayong araw, Agosto 11, 2025, ginanap sa Department of Agriculture-Central Office ang pitching ng NAGKABATI Farmersโ Cooperative and Association (FCA) para sa โฑ25 milyong pondo sa ilalim ng Sagip Saka Program. Ang inisyatibong ito ay buong pusong sinusuportahan ng MLGU-LIMAY sa pangunguna nina Mayor Richie Jason D. David, Vice Mayor Grace R. David, at mga SB Members, kasama ang Office of the Municipal Agriculturist na pinangungunahan nina Joselito D. Galicia at Engr. Jeremie S. Sagrado. Ang Sagip Saka Program ay isinusulong nina Senador Francis โKikoโ N. Pangilinan, DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., at DA Assistant Secretary Atty. Joycel R. Panlilio, na naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura sa Limay, Bataan. Ang panukalang pondo ay gagamitin upang suportahan ang produksyon, pag-aani, post-harvest processing, at marketing ng palay, high-value crops (HVC), at mga alagang hayop. Tugma ito sa layunin ng Sagip Saka Act of 2019 na gawing entrepreneur ang mga magsasaka at mangingisda, upang mapalakas ang kanilang kabuhayan at mapabuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay. Ang pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga lokal na asosasyon ng magsasaka ay patunay ng tunay na malasakit at suporta sa agrikulturang Pilipino. Sa pagbibigay ng tamang tulong at pondo, layunin nitong palakasin ang seguridad sa pagkain at itaguyod ang sustainable farming practices sa buong Limay.
๐ฃ๐๐ โ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
Isang makasaysayang araw para sa mga lingkod-bayan ng Bataan! Ngayong Agosto 8, 2025, nagtipon-tipon ang mga konsehal mula sa ibaโt ibang bayan sa Bataan Tourism Pavilion para ihalal ang bagong hanay ng mga opisyal ng Philippine Councilors League โ Bataan Chapter. Dumalo sa pagtitipon at nagbigay-pugay sa kaganapan sina PCL National Vice Chairman Atty. Benjamin Abalos III bilang pangunahing tagapagsalita, Gov. Joet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, PCL Bataan Interim President Hon. Jovy Banzon, at ang mga kinatawan ng PCL COMELEC. Kasama rin sa mga panauhin sina Rep. Jernie Jett Nisay ng Pusong Pinoy Partylist, First District Rep. Tony Roman, Chief of Staff Rollie Rojas, ilang mga alkalde, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan mula sa ibaโt ibang bayan. Mula sa Bayan ng Limay, buong suporta ang ipinakita nina Mayor Richie Jason David at Vice Mayor Grace David, kasama ang ating mga Sangguniang Bayan Members na sina: Konsehala Sarah David, Konsehal Cecil Roxas, Konsehal Bart Reyes, Konsehal Dennis Gochuico bilang Board Member na kakatawan sa bayan ng Limay, Konsehala Rory Roque Perez, Konsehal Newr Tayag, Konsehal Manny Ambrocio, Konsehal Cesar Dela Rea, ABC Teresita Dela Rea at SK Fed. President AJ Joaquin. ๐ ๐๐ ๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐: President: Hon. Jovy Banzon Vice President: Hon. Marino Caguimbal Secretary-General: Hon. Noli Soriano Treasurer: Hon. Concepcion Santos Auditor: Hon. Angelito Narciso P.R.O.: Hon. Jose Gener Pascual Business Manager: Hon. Angelito Rubia ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ฉ๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ฅ๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฆ: 1. Hon. Reno Gatdula 2. Hon. John Harry Carreon 3. Hon. Marjun Bantay 4. Hon. Armando Buniag 5. Hon. Dennis Gochuico 6. Hon. Katherine Maglaque 7. Hon. Roy Samson 8. Hon. Christian Laurence Manalaysay Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng bagong halal! Sa inyong pamumuno, nawaโy lalo pang mapagtibay ang pagkakaisa at mas mailapit ang makabuluhang programa sa ating buong lalawigan ng Bataan.
๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐ก๐๐ฌ ๐๐๐ฆ๐ ๐ง๐ฅ๐๐ก๐ฆ๐๐๐ฅ (๐๐๐ง) ๐ฆ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ
Bilang tugon sa naging epekto ng nagdaang kalamidad na bagyong Crising noong nakaraang taon 2024, isinagawa ang pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga kwalipikadong pamilyang naapektuhan sa ibaโt ibang barangay ng Bayan ng Limay. Ang programang ito ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at Pamahalaang Bayan ng Limay sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David at SB Members bilang bahagi ng agarang pagtugon at suporta sa mga kababayang nangangailangan. Layunin ng ECT na pansamantalang matulungan ang mga pamilyang nawalan ng kabuhayan o matinding naapektuhan ng kalamidad, upang magamit nila ito sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, gamot, at iba pang gamit sa tahanan. Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong pinansyal na kanilang natanggap. Isa lamang ito sa mga konkretong hakbang ng ating pamahalaan upang masigurong walang maiiwan sa panahon ng krisis.