Bilang paggunita sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, isinagawa ngayong araw ang Ceremonial Wreath Laying bilang pagpupugay sa mga bayaning nag-alay ng buhay para sa ating kasarinlan. Ang wreath laying o pag-aalay ng korona ng bulaklak ay isang makasaysayang seremonyang ginagawa bilang simbolo ng paggalang, paggunita, at pasasalamat sa mga taong nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bayan. Dumalo sa makabuluhang pagdiriwang na ito sina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Elect-Grace David, Konsehal Newr Tayag, Konsehal Cecil Roxas, SK Federation, mga kinatawan mula sa BFP, PNP, Department Heads, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Limay na sama-samang nagbigay ng respeto at pasasalamat sa mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating bayan. Hindi malilimutan ang kanilang kabayanihan at ito ang tunay na pundasyon ng ating kasalukuyang kalayaan
2024 State of the Municipality Address (SOMA)
𝗣𝗘𝗥𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 (𝗣𝗚𝗦) 𝗢𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗺𝗮𝘆
Ngayong Hunyo 11, 2025 ika-10 ng umaga sa Municipal Mayor’s Office ay pinangunahan ng ating mahal na Mayor Richie Jason D. David at sa buong suporta ni Governor Joet Garcia ay opisyal nang inilunsad sa ating Pamahalaang Bayan ng Limay ang PGS na nakapaloob sa Memorandum of Agreement (MOA). Ang nasabing kasunduan ay pinirmahan nina ISA CEO – Mr. Evaristo S. Francisco, Jr. at Mayor Richie Jason D. David, na sinaksihan nina Governor Jose Enrique ‘’Joet’’ Garcia III, ISA Program Management Unit Head – Maria Jose Guadalupe R. Luisito, at HRMO and MSWD Section Head – Ms. Faye Fernando. Ang Performance Governance System (PGS) ay isang sistema na magbibigay sa lahat ng ating mga kawani ng kakayahan at kaalaman na magawa ang kani-kanilang takdang tungkulin na ang tanging inspirasyon ay makapaglingkod “mula sa puso” sa ating mga kababayan sa mabilis, angkop at epektibong pamamaraan. Hangad din sa proseso ng PGS ang pagsasaayos ng mga sistema, pamamaraan at polisiya na magiging gabay, pamantayan at sukatan sa kaayusan ng serbisyo ng bawat kawani, departamento, at sa tamang paggamit ng pera mula sa kaban ng bayan na siguradong tutugon sa pangunahing pangailangan ng ating mamamayan. Isang paglilingkod na walang itinatangi at walang maiiwanan. Dumalo at naki-isa sa makasaysayang kaganapan na ito ang ating Vice Mayor-Elect Grace David, Konsehal Dennis Gochuico, Konsehal Bart Reyes, mga Department Heads, miyembro ng ibat-ibang Sectoral groups sa Limay at mga kinatawan mula sa pamunuan ng lalawigan ng Bataan sa pangunguna ni Ma’am Myrna Roman ang PGS Focal Person ng City of Balanga at ng Probinsya ng Bataan. Ang historical event na ito ay pinangasiwaan ng ating LGU Limay PGS Focal Person Konsehal Manny Ambrocio. Salamat sa Diyos
26th Commencement Exercise LPC
To the Limay Polytechnic College family, mga guro, staff, magulang, at syempre, ang bida ng araw, ang ating mga graduates! Congratulations po sa inyo! It’s an honor to be part of the graduation, not just a guest but also as someone who holds this school close to my heart dahil po ang founder ng LPC ay aking father-in-law na si Mayor Nelson C. David, and though I’m not a graduate of this school, I’ve witnessed how much passion and dedication was poured into it mula sa simula hanggang ngayon. At masasabi ko po na sa pagpapatuloy po ni Mayor Richie David, patuloy ang pag-unlad ng Limay Polytechnic College. Hindi po natatapos ang mission ng paaralang ito sa inyong graduation. In fact, habang kayo’y nagtapos, ang paaralan naman ay patuloy na nagdadagdag ng mga bagong kurso, modernong learning tools, at mas magagandang pasilidad para sa mga susunod na batches. Tuloy-tuloy ang improvement, kasi tuloy-tuloy din ang pangarap ng ating komunidad. Graduates, it is your day pero hindi ito ending. This is just the start of your real journey. Yes, the real world can be tough. Pero kung kinaya niyo ang thesis, online classes, early and late classes, kaya niyo rin ang hamon ng buhay. Please remember, ang diploma ay hindi lang papel, it’s a symbol of your growth. Gamitin ninyo ito hindi lang para umasenso, kundi para makatulong. Hindi lang kayo produkto ng paaralang ito, kayo rin ang magiging dahilan ng pag-unlad ng bayan natin. To my father in law, Mayor Nelson C. David, salamat po sa vision ninyong magsimula ng paaralang may puso. Sa lahat ng staff ng LPC, salamat sa inyong serbisyo. And to the graduates, saludo ako sa inyo. Go and make us proud. Congratulations, Batch 2025, Mabuhay kayo at mabuhay ang Limay Polytechnic College!
PABATID: Narito ang mga mahahalagang kaalaman patungkol sa MONKEYPOX (Mpox).
Basahin at alamin upang magkaroon ng tamang kaalaman kung ano ang sakit na Mpox, mga sintomas nito at kung papaano ito maiiwasan.
𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼 𝗽𝗮? 𝗧𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗟𝗶𝗺𝗮𝘆 𝗣𝗮𝗿𝗸!
𝗦𝗮 𝗟𝗶𝗺𝗮𝘆 𝗣𝗮𝗿𝗸, 𝗺𝗮𝘆 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗯𝗮𝗿𝗸𝗮𝗱𝗮. 𝗣𝗹𝗮𝘆𝗴𝗿𝗼𝘂𝗻𝗱 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗶𝗱𝘀, 𝗲𝘅𝗲𝗿𝗰𝗶𝘀𝗲 𝗮𝗿𝗲𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝘆𝗼𝘂𝗻𝗴-𝗮𝘁-𝗵𝗲𝗮𝗿𝘁, 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗶𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗹𝘂𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗺𝗮𝘆. 𝗧𝘂𝗹𝗼𝘆-𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗟𝗶𝗺𝗮𝘆𝗲ñ𝗼. 𝗧𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮’𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗶𝘀𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗟𝗶𝗺𝗮𝘆 𝗣𝗮𝗿𝗸!
𝗟𝗶𝗺𝗮𝘆 𝗕𝗮𝘀𝗸𝗲𝘁𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗧𝗲𝗮𝗺, 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿-𝘁𝗼𝘄𝗻 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻!
Isang mainit na pagbati sa Team Limay sa kanilang makasaysayang tagumpay sa ginanap na Inter-Town Basketball Tournament sa lalawigan ng Bataan! Patunay ito ng galing, disiplina, at pusong palaban ng ating mga manlalaro. Sulit ang lahat ng pagod, sakripisyo, at hirap para makamit ang tagumpay na ito. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa lahat ng kabataang nangangarap makamit ang kanilang mga pangarap sa larangan ng basketball na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at determinasyon, walang imposibleng maabot. Ang inyong tagumpay ay tagumpay ng buong bayan ng Limay. Sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David at buong SB Members, buong puso po ang suporta ng ating pamunuan sa pag-papaunlad ng larangan ng palakasan sa ating bayan. Mabuhay kayo Limay Basketball Team, 2025 Bataan Inter-town Champion!
First flag raising as Mayor Elect
May 19 2025 6:30am @ Limay Municipal Quadrangle It is a great honor to serve as the Mayor of Limay, Bataan. I am deeply committed to working for the continuity of my father’s legacy & betterment of our community and ensuring a brighter future for every Limayan. Salamat sa tiwala at dasal para sa ating Bayan.
MARAMING SALAMAT BAYAN NG LIMAY!
Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong walang-sawang suporta at tiwala. Ang inyong pagmamahal at pagtitiwala ang nagsilbing inspirasyon at lakas namin sa bawat hakbang ng aming paglilingkod. Mula sa mga bagong halal na lingkod bayan ng Limay; 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙍𝙞𝙘𝙝𝙞𝙚 𝘿𝙖𝙫𝙞𝙙 𝙑𝙞𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙂𝙧𝙖𝙘𝙚 𝘿𝙖𝙫𝙞𝙙 𝙆𝙤𝙣𝙨𝙚𝙝𝙖𝙡𝙖 𝙎𝙖𝙧𝙖𝙝 𝘿𝙖𝙫𝙞𝙙 𝙆𝙤𝙣𝙨𝙚𝙝𝙖𝙡 𝘾𝙚𝙘𝙞𝙡 𝙍𝙤𝙭𝙖𝙨 𝙆𝙤𝙣𝙨𝙚𝙝𝙖𝙡 𝘽𝙖𝙧𝙩 𝙍𝙚𝙮𝙚𝙨 𝙆𝙤𝙣𝙨𝙚𝙝𝙖𝙡 𝘿𝙚𝙣𝙣𝙞𝙨 𝙂𝙤𝙘𝙝𝙪𝙞𝙘𝙤 𝙆𝙤𝙣𝙨𝙚𝙝𝙖𝙡𝙖 𝙍𝙤𝙧𝙮 𝙍𝙤𝙦𝙪𝙚 𝙋𝙚𝙧𝙚𝙯 𝙆𝙤𝙣𝙨𝙚𝙝𝙖𝙡 𝙈𝙚𝙣𝙜 𝙉𝙚𝙬𝙧 𝙏𝙖𝙮𝙖𝙜, 𝙅𝙧. 𝙆𝙤𝙣𝙨𝙚𝙝𝙖𝙡 𝙈𝙖𝙣𝙣𝙮 𝘼𝙢𝙗𝙧𝙤𝙘𝙞𝙤 𝙆𝙤𝙣𝙨𝙚𝙝𝙖𝙡 𝘾𝙚𝙨𝙖𝙧 “𝘼𝙢𝙖” 𝘿𝙚𝙡𝙖 𝙍𝙚𝙖 Sa mga mamamayan ng Limay, salamat sa pagtanggap, pakikiisa, at paniniwala sa adhikain ng RJD Team. Asahan po ninyo na patuloy naming isusulong ang tapat, bukas, at makataong pamumuno para sa kapakanan ng lahat. Muli, maraming salamat, Limay! Sama-sama tayong uusad tungo sa mas maunlad na bukas!
𝗣𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸 𝗮𝘁 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝘂𝘄𝗮𝗿𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝗮𝗹𝘆𝘀𝗶𝘀 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟭𝟱 𝗗𝗶𝗮𝗹𝘆𝘀𝗶𝘀 𝗠𝗮𝗰𝗵𝗶𝗻𝗲 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗺𝗮𝘆
Isang Bagong Pag-asa para sa kalusugan ng bawat mamamayan ng Limay! Pinalawak at pinalaking mga kuwarto ng Dialysis Center at 15 na dialysis machines ang idinagdag para dito,isang handog ng tapat at malasakit na serbisyo mula kay Mayor Richie David, Vice Mayor Sarah David, Tourism Chairperson Grace David at SB Member katuwang ang buong pamunuan ng bayan ng Limay. Ito ay bahagi ng patuloy na layunin ng ating lokal na pamahalaan na bigyang halaga ang kalusugan at kagalingan ng bawat mamamayan. Sa bagong pasilidad na ito, mas marami nang kababayan natin ang matutulungan at mapaglilingkuran nang mas maayos, mas mabilis, at mas komportable. “Sa Limay, ang serbisyo publiko ay tunay na para sa tao”