Handog po ng Lokal na Pamahalaan ng Limay sa pangunguna ni Mayor Richie David, katuwang ang SK Federation Limay sa pangunguna ni SK President AJ Joaquin at Public Safety Office ang libreng Road Safety Seminar para sa mga Kabataang Limayan. Gaganapin po ang seminar sa Barangay Kitang 1 Multi Purpose Hall, sa March 20, 2025, 8:00 AM.
INAUGURATION AND SOFT LAUNCHING KADIWA STORE
Inaanyayahan po namin kayong dumalo at makiisa sa makasaysayang pagbubukas ng kauna-unahang permanenteng Kadiwa Store sa Central Luzon, Marso 13, 7am, sa Limay Park. Huwag palampasin ang pagkakataong makabili ng mga produktong lokal at abot-kaya para sa inyong pamilya! Tara na at magsama-sama sa isang makulay na kaganapan!
Supervisory Development Course
Noong katapusan ng Pebrero ngayong taon, aktibong nakilahok ang ating tatlong kawani sa Supervisory Development Course – Track 1, sa pangunguna ng Civil Service Commission – Regional Office III. Mula sa opisina ng LGU’s HRMO, Assessor’s Office, at Mayor’s Office, kasabay nilang nakapagtapos sa tatlong araw na pagsasanay ang 18 na kawani mula sa iba’t-ibang Government Agencies mula sa Central Luzon, kagaya ng DepEd, NEDA, NFA, at marami pang iba. Ito ay isa lamang sa mga mekanismo na nagpapatunay ng dedikasyon ng Pamahalaang Bayan ng Limay sa mas mahusay at epektibong pamamahala. Sa pangunguna ng ating Mayor Richie Jason D. David, Vice Mayor Sarah David, buong Sangguniang Bayan ng Limay at Tourism Chairperson Grace David, sama-sama po nating itataas ang antas ng serbisyo publiko, sa pamamagitan ng patuloy na paglinang ng kaalaman, kakayahan, at kaugalian ng ating mga lingkod bayan.
ππππ£ππ§π’π‘π π£ππ‘πππ’ π‘π πππ¬ππ‘ π‘π πππ ππ¬
Nakamit ng Limay Basketball Team ang ikapito nitong panalo ngayong gabi kontra sa Bayan ng Orani. Sa iskor na 117-91 tinalo ng Limay ang Orani.
πππ-ππ‘ππ π‘π π£ππ‘πππ’ π£ππ₯π π¦π πππ¬ππ‘ π‘π πππ ππ¬
Nakamiy ng Team Limay Basketball ang ika-anim nitong panalo kagabi kontra sa Bayan ng Dinalupihan. Tinalo ng Limay ang Dinalupihan sa iskor na 69-62.
TINGNAN!
Mga hakbang at aktibidad na isinagawa sa bayan ng Limay upang makontrol at mapigilan ang pag dami ng kaso ng DENGUE. Ang 1Limay LGU sa pangunguna ng Limay Municipal Health Office, katuwang ang mga Kawani ng mga Barangay at ang komunidad ay sama-samang kumikilos upang pigilan ang pagdami at makontrol ang kaso ng dengue. Ang ilan sa mga hakbang na isinagawa ay ang mga sumusunod: 1. SEARCH and DESTROY – ang search and destroy ang PANGUNAHIN at MABISANG pangkontrol sa pag dami ng kaso ng dengue. Ito ay ang paghahanap at pagsira ng mga bagay or lugar na pinamumugaran ng lamok. 2. DENGUE AWARENESS CAMPAIGN- Ang pagbibigay impormasyon at kamalayan patungkol sa sakit na dengue ay tiyak na makatutulong upang ang komunidad ay maging handa at magtaglay ng tamang kaalaman upang makontrol ang dengue. 3. EARLY CONSULTATION and DETECTION- Ang Limay Rural Health Unit I at mga Barangay Health Stations ay handa para matignan o ma check-up ang mga myembro ng komunidad kung sila ay may sintomas ng dengue. Mayroon ding mga dengue test na libreng naibibigay sa mga pasyente. 4. FOGGING o pagpapausok na may halong gamot pamatay ng insekto – Isinasagawa lamang ang Fogging kung may banta na ng dengue outbreak sapagkat ang usok na may halong gamot ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng tao at napipinsala o napapatay din nito ang ibang insekto maliban sa lamok. Isinasagawa ang fogging matapos ang aktibidad na SEARCH and DESTROY sapagkat mababalewala lamang ang isasagawang fogging kung mayroon pading mga breeding sites o lugar na pinamumugaran ng lamok.
ALAMIN: BEAT THE HEAT!
Sa pagsisimula ng βHOT DRY SEASONβ sa Pilipinas, inaasahan ang mataas na βHEAT INDEXβ o ang pakiramdam ng tao sa pinag halong epekto ng mataas na temperatura at humidity. Ito ay maaring magdulot ng negatibong epekto sa katawan ng tao. Ang HEAT STROKE ay isa mga kundisyon na maaaring maranasan ng isang tao kasabay ng pagtaas ng heat index. Narito ang mga mahahalagang impormasyon na dapat nating alamin patungkol sa Heat Stroke.
Pagpupulong sa pamunuan ng Philippine Reclamation Authority (P.R.A.)
Ang inyong lingkod Mayor Richie Jason David kasama ang Engr Department po ay dumalo sa isang pagpupulong sa pamunuan ng Philippine Reclamation Authority (P.R.A.) noong Pebrero 28, 2025 upang talakayin ang mga suliranin at mga kaukulang legal na dokumento ukol sa ating paggamit ng lupa na kanilang pag-aari.Malugod po silang tinanggap ng buong pamunuan. Sa katunayan, ipinaabot nila ang kanilang galak at suporta sa proyektong sinimulan ng dating yumaong Mayor NCD. Ito daw ay natatangi sa buong bansa at inaasahang makakadulot sa ating lokal na turismo,paggaan sa trapiko,proteksyon sa malalaking alon at magandang sikolohikal na benepisyo sa ating mga kababayan lalo na sa sariwa at magandang tanawin dito.Patuloy pong makikipagugnayan Team 1Limay sa pamunuan ng PRA upang ipagpatuloy ang nasabing proyekto. Muli, umasa po kayo at magtiwala sa inyong lingkod na ito ay umuusad ayon sa proseso. Huwag po tayong basta maniwala sa mga balitang naglalayon na linlangin tayo sa mga maling impormasyon. Patuloy po kayong bibigyan ng update ukol sa usaping ito. Maraming salamat po! Pagpalain nawa tayo ng ating Poong Maykapal.
π ππ¬π’π₯ π₯πππππ πππ©ππ, ππ¨π ππ¦ππ§π π¦π π¦ππ§ππ’ π ππ πππ
Bumisita si Mayor Richie Jason David sa Sitio Mamala upang kamustahin ang mga mamayan na nakatira sa nasabing lugar. Nilinaw rin ni Mayor Richie ang mga fake news na kumakalat na maaaring mawalan ng mga kabahayan ang mga tao dito. Ipinaliwanag ng ating butihing Mayor ang layunin ng ating Lokal na Pamahalaan tungkol sa programa ng mga pabahay at maaaring makatulong sa mga lehitimong taga Limay na walang sapat na kakayahan bumili ng sariling tahanan para sa kanilang pamilya. Hangad ng ating pamunuan na magkaroon ng maayos at payapang pamayanan ang buong bayan ng Limay. βTapat na Serbisyo, Diretso sa Taoβ
PABATID!
Isasagawa ang Periodic Intensification of Routine Immunization! Ito ay catch-up o pagbabakuna ng mga hindi nabakunahang bata: Ang iskedyul ng pagbabakuna ay nakadepende ayon sa edad ng mga bata: Sa mga batang may Edad 0-23 Buwan: ang iskedyul ay sa Marso 3-14, 2025. Sa mga batang may Edad 24-59 Buwan: ang iskedyul ay sa Marso 17-28, 2025. Siguraduhing kumpleto ang bakuna ng inyong mga anak! Makipag-ugnayan sa inyong mga health care workers sa mga Barangay Health Stations para sa karagdagang impormasyon at iskedyul. Sama-sama nating protektahan ang kalusugan ng ating mga kabataan!