Sinimulan ng kabitan ng mga solar panels ang Limay Elementary School at SF II Elementary School sa bayan ng Limay. Ito ay proyektong isinulong ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, Sangguniang Bayan Members at Tourism Chairperson Grace David. Layunin ng programa na ito na pababain ang konsumo ng kuryente ng bawat eskwelahan dahil ito ay nakatakdang kabitan ng mga aircondition unit. Ang mga paaralan ay maaaring makinabang nang malaki mula sa mga solar panels sa pamamagitan ng pagtitipid sa gastos, at pagpapanatili ng kapaligiran. Edukasyon ang isa sa mga proyektong prayoridad ng ating lokal na pamahalaan at kayo po ay makakaasa na ito ay patuloy naming tututukan para sa ikagaganda at ika-aangat ng kaledad ng edukasyon sa ating bayan.
๐ค๐จ๐๐ฅ๐ง๐๐ฅ โ ๐๐๐ก๐๐๐ฆ ๐ฆ๐๐๐จ๐ฅ๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐๐๐๐ ๐ง๐๐๐
Sa huling team standing ng bawat bayan na kalahok sa 1Bataan Sports Fest Basketball, sinemento ng Limay ang pagiging Rank 1 nito at pagkakaroon ng twice to beat advantage sa magiging laban nito sa Bayan ng Samal.
๐๐ฅ๐๐ ๐ช๐๐๐ ๐๐ข๐ก๐ก๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐๐ก
Libreng wifi connection? Hindi lamang sa malalapit na lugar ito maaaring gamitin dahil maging sa malalayo at liblib na lugar, ito ay mapapakinabangan na rin. Sa tulong ng DICT at Provincial Director, naisakatuparan ang proyektong ito ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, SB Members at Tourism Chairperson Grace David. Naniniwala ang ating pamunuan na ito ay malaking tulong para sa mga taong naninirahan sa lugar ng Kinaragan, dahil maging ang ating mga katutubong nakatira dito ay gumagamit na rin ng internet connection para sa kanilang pag-aaral at iba pang mga aktibidad. Mapapabilis rin nito ang kanilang komunikasyon at pag-tugon sa mga emergency. Sa pag-papatuloy ng pagbibigay ng tapat serbisyong diretso sa tao, sabay-sabay po tayong sumabay sa modernisasyon ng ating
Caravan of Services
Limay, Bataan – Ipinagdiwang ang Caravan of Services: “Serbisyong Panlipunan Handog Para Sa Mamamayan” ngayong araw, Marso 18, 2025 sa Limay Sports Complex. Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan ng mga benepisyaryo ng isang libong DSWD’s Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Action Team ng Limay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 – Central Luzon, at ng Pamahalaang Lokal na Bayan ng Limay. Ibinahagi ang mga serbisyo at kaalaman ng iba’t ibang ahensya at organisasyon na kaagapay sa pagtataguyod ng mga programa para sa mga mamamayan. Kabilang sa mga ito ang: – Municipal Social Welfare and Development Section (MSWDS) – Municipal Civil Registrar (MCR) – Municipal Agriculture Office (MAO) – Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) – Municipal Health Office (MHO) – Public Employment Service Office (PESO) – Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO) – Department of Trade and Industry (DTI) – Cocogen Insurance Company, katuwang ng Landbank of the Philippines Ang mga ahensyang ito ay nagsama-sama upang maghatid ng mga serbisyong makatutulong sa mga pangangailangan ng mga benepisyaryo. Layunin nilang matugunan ang mga kakulangan sa pamumuhay at tulungan na makamtan ang mas maginhawa at mataas na kalidad ng buhay. Sa pangunguna ng ating Mayor Richie Jason D. David, Vice Mayor Sarah V. David, Sangguniang Bayan members, and Municipal Tourism Chairperson Grace David, patuloy ang pagsusumikap ng mga ahensyang ito na magpadaloy ng mga oportunidad at tiyakin na ang bawat buhay ay pinahahalagahan, at naipapaabot ang mga programa at serbisyo para sa pinaka-nangangailangan.
๐ฃ๐จ๐๐๐๐ ๐ฅ๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐ข๐ข๐ ๐ฆ ๐ฆ๐ ๐ง๐๐๐๐ฃ ๐๐๐๐๐ฆ
Isa ang Tikip Falls sa mga pangunahing atraksyon sa bayan ng Limay kaya isa sa naging programa ng ating pamunuan ang pagtatayo ng mga public restrooms dito. Tayo ay naniniwala na ito ay malaking tulong para sa mga taong namamasyal sa lugar na ito dahil ito ay mag dudulot ng malaking ginhawa para sa ating mga bisita. Ito rin ay nag susulong ng benepisyo sa kalusugan pampubliko upang masigurado ang kaligtasan at maiwasan ang mga sakit ng bawat isa. Ito ay naglalayon rin ng pagpapanatili ng kalinisan upang patuloy pang mapakinabangan ang lugar sa mga susunod pang henerasyon. Nakatakda ring magtayo ng mga pampublikong palikuran na ito sa waiting shed area na malapit sa McDonaldโs Limay. Sama-sama po tayong mag-tulungan sa mas ikakaunlad at ikasasaayos ng ating komunidad sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, SB Members at Tourism Chairperson Grace David.
Pagbibigay ng mga bagong PC sa LPC
Isa sa mga binibigyang pansin ng pamahalaan ng Limay ay ang pagpapanatili o pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral at iskolar ng ating bayan. Sa pamamagitan ng Unifast Free Higher Education funds, nakatanggap ang Limay Polytechnic College (LPC) ng bagong 40 computer units para sa kanilang Techno Hub upang mapaghandaan na rin ang karagdagang 4 year course na Bachelor of Science in Information System ( BSIS ) program. Malaki din ang maiaambag nito pagdating sa New Era Classes at digital training. Marami pang inaasahang programa upang masigurado na hindi na huhuli sa modernisasyon ang ating bayan maging sa edukasyon. Ang lahat ng ito ay naisakatuparan sa tulong ng ating butihing Mayor Richie David. Tunay lang na ang serbisyong ito ay diretso sa tao.
๐๐๐ง๐ฉ ๐๐ฎ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐บ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ธ
Kaligtasan ng mga mamamayan ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng ating pamunuan at hindi lingid sa ating kaalaman ang dagsa ng mga tao mula sa ibaโt ibang bayan ang bumibisita sa Limay Park. Upang masigurado ang seguridad dito, sinimulan ang pagkakabit ng mga bagong cctv camera sa nasabing parke. Inaasahan na mas marami pang mga cctv camera ang mailalagay sa buong bayan dahil kasabay ng patuloy na pag-unlad, hangad ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, SB Members at Tourism Chairperson Grace David ang kaayusan at kaligtasan ng buong nasasakupan.
๐ฆ๐๐ฆ๐ง๐๐ฅ๐๐ข๐ข๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ ๐๐ก๐ง ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐๐ก ๐๐ง ๐๐จ๐ก๐๐ฆ๐ข๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก ๐๐จ๐๐ก
THE BUNKER, Bataan Marso 14, 2025 โ Isang kasunduan ng sisterhood ang pormal na nilagdaan noong Biyernes sa pagitan ng Lungsod ng San Juan, Lalawigan ng Bataan, Lungsod ng Balanga, at Bayan ng Limay upang palakasin ang ugnayan at kooperasyon. Pinangunahan ni Mayor Francis Zamora ng San Juan, kasama si Congresswoman Bel Zamora, si Governor Joet S. Garcia ng Bataan, Mayor Francis Garcia ng Balanga, at Mayor Richie Jason David ng Limay sa pagpapalitan ng mga resolusyon na magpapatibay sa kanilang kasunduan. Ang seremonya ay ginanap sa The Bunker, ang punong tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan. Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Mayor Richie Jason David ng Limay ang kahalagahan ng kasunduan para sa mutual na pag-unlad ng kanilang bayan at ng mga lungsod at lalawigan ng San Juan at Bataan. Sinabi niyang, “Pinakamaunlad na bayan ang Limay, ngunit marami pa kaming gustong matutunan mula sa San Juan. Bagamat hindi kami isang lungsod, layunin naming maging isang highly-urbanized na bayan katulad ng San Juan. Isa itong malaking oportunidad para sa amin na matutunan ang mga best practices ng isang progresibong lungsod tulad ng San Juan.” Binanggit din ni Mayor David na ang kasunduan ay magsisilbing tulay para mapabuti ang kanilang lokal na ekonomiya, mula sa turismo hanggang sa mga produktong lokal. “Gusto naming matutunan kung paano magtagumpay sa urbanisasyon, gayundin kung paano makikinabang ang mga lokal na produkto namin mula sa mga merkado tulad ng sa San Juan,” dagdag niya. Nagpasalamat din si Mayor Francis Garcia ng Balanga kay Mayor Zamora at ipinahayag ang kagustuhang matuto mula sa mga karanasan ng ibang lokal na pamahalaan upang mapabuti pa ang kanilang lungsod. Hinimok ni Mayor Zamora ang mga lider ng Bataan na itampok ang kanilang mga lokal na produkto sa Pasalubong Center ng San Juan at i-promote ang turismo ng Bataan sa pamamagitan ng mga hotel at magagandang beach nito. Sa pagtatapos ng seremonya, naglagda sina Mayor Richie Jason David at Vice Mayor Sarah David, kasama ang mga Sanggunian ng Bayan at Tourism Chairperson Grace David, upang pormal na isara ang kasunduan at magsimula ng isang mas matibay na ugnayan sa pagitan ng mga nasabing lugar.
๐๐ฅ๐๐ ๐ช๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ ๐ฃ๐๐ฅ๐!
Halina! Tayo ng mamasyal sa Limay Park kasama ang buong barkada at pamilya at subukan ang FREE WIFI na handog sa atin ng buong pamunuan ng Limay. Layunin nito na mapanatili ang connectivity sa mga pampublikong lugar upang magbigay ng maaasahang internet services para sa edukasyon, trabaho at pang-araw-araw na mga aktibidad sa buhay. Tunay naman na patuloy ang modernisasyon sa ating komunidad at ang ating pamahalaan ay nakahandang sumabay sa pag-papaunlad nito sa pakikipag tulungan ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, SB Members at Tourism Chairperson Grace David kasama ang DICT na naging katuwang upang ito ay maisakatuparan.
I๐ก๐๐จ๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐ก๐ ๐ฆ๐ข๐๐ง ๐๐๐จ๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐ข๐ ๐๐๐๐๐ช๐ ๐ฆ๐ง๐ข๐ฅ๐ ๐๐ก ๐๐๐ ๐๐ฌ, ๐๐๐ง๐๐๐ก
Noong nakaraang Huwebes, Marso 13, 2025 ay pormal ng binuksan ang kauna-unahang permanenteng Kadiwa Store sa Region 3 na katulad ng matatagpuan sa Limay Park, Reformista, Limay, Bataan. Hangarin ng Kadiwa Store na tulungan ang mga mag-sasaka at mangingisda na sila ay direktang makapagbenta ng kanilang mga produkto upang sila ay magkaroon ng mataas na kita. Ang operasyon nito ay palalakasin sa tulong ng programa sa ilalim ng Sagip Saka Act. Ang pagtatatag nito ay simbolo ng sama-samang pagpapalakas ng sektor ng Agrikultura at pag-papanatili ng seguridad ng mga suplay hindi lamang sa bayan ng Limay kung hindi maging sa buong Central Luzon. Ang programang ito ay inulunsad ni Pangulong Ferdinand โBong Bongโ Marcos,Jr., at pakikipag-ugnayan ni nooโy dating Mayor Nelson C. David, at sa inisyatibo ni ngayoโy Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, SB Members at Tourism Chairperson Grace David, ito ay naisakatuparan na. Ang pag-sisimula ng programa ay pinangunahan nina 2nd District Representative Hon. Abet S. Garcia, Mayor Richie Jason David, Assistant Secretary for HVC and Sagip Saka Act at Deputy Spokesperson of DA Atty. Joycel R. Panlilio, Regional Technical Director for Operation Arthur D. Dayrit at Carmencita S. Nogoy ng DA-RF03. Maraming Salamat po sa tulong ng PNP, BFP, Department of Agriculture at iba pang mga kawani na nangasiwa at tumulong para sa programang ito.