Naganap kahapon, July 4, ika-9 ng umaga ang isang makabuluhang ugnayan at usapan kasama ang mga leaders ng Senior Citizens ng 12 Barangays,.at noong ika-1 ng hapon ay inilaan para sa ating mga PWDs. Nagkaroon ng kwentuhan sa mga saloobin, hinaing, at mga kahilingan ng Senior Citizens at PWDs. Naki-isa ang ating Vice Mayor Grace David sa mga kaganapan na pinangunahan ni PGS Focal Person SB Manny Ambrocio at OSM Chairperson Faye Fernando. Buo naman ang suporta sa mga ganitong uri ng programa ng buong pamunuan sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David.
๐ข๐๐ง๐-๐ง๐๐๐๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐ฅ๐ก๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ข๐ก๐ฌ
๐๐จ๐ก๐ ๐ฏ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ Isang makasaysayang araw ng pagkilala at panibagong paninindigan para sa mga lingkod-bayan ng Bataan! Sa ginanap na Oathtaking Ceremony sa Peopleโs Center, Balanga City, sa pangunguna ni Governor Joet S. Garcia ay sabay-sabay na nanumpa ang mga bagong halal na opisyal mula sa ibaโt ibang munisipalidad ng lalawigan. Isang kaganapang nagpapakita ng pag-kakaisa, panibagong pananagutan, at iisang layunin upang makapag dulot ng makabuluhang pagbabago para sa buong lalawigan ng Bataan. Samantala, kasunod ring ginaganap ang Oath-taking and Turnover Ceremony ng mga bagong halal na lokal na opisyal ng Bayan ng Limay sa Limay Municipal Hall Lobby na pinangunahan ni ๐๐๐ฑ๐ด๐ฒ ๐๐บ๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐น ๐ฆ๐ถ๐น๐๐ฎ. Sa muling pagtitiwala ng taumbayan kay ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ฅ๐ถ๐ฐ๐ต๐ถ๐ฒ ๐๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฑ, kasama ang ating bagong ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ-๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ฒ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฑ, at ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan, ๐๐ผ๐ป. ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ต ๐ฉ. ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฑ, ๐๐ผ๐ป. ๐๐ฒ๐ฐ๐ถ๐น ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐. ๐ฅ๐ผ๐ ๐ฎ๐, ๐๐ผ๐ป. ๐ฅ๐ฒ๐๐๐ถ๐๐๐๐ผ ๐ฃ. ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐, ๐๐ผ๐ป. ๐๐ฒ๐ป๐ป๐ถ๐ ๐ฅ. ๐๐ผ๐ฐ๐ต๐๐ถ๐ฐ๐ผ, ๐๐ผ๐ป. ๐ฅ๐ฒ๐บ๐ถ๐ด๐ถ๐ผ ๐ฆ. ๐ง๐ฎ๐๐ฎ๐ด,๐๐ฟ., ๐๐ผ๐ป. ๐ฅ๐ผ๐ฟ๐ ๐ฅ. ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐, ๐๐ผ๐ป. ๐ ๐ฎ๐ป๐ป๐ ๐ฃ. ๐๐บ๐ฏ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ผ, at ๐๐ผ๐ป. ๐๐ฒ๐๐ฎ๐ฟ “๐๐บ๐ฎ” ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐ฎ, asahan po ninyo ang isang pamahalaang mas bukas, makatao, at nakatuon sa tunay na pag-unlad ng buong bayan ng Limay. Nagbigay naman ng isang makabuluhang mensahe si outgoing SB Member na si ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ต๐ฎ๐น ๐ ๐ฒ๐น๐ฐ๐ต๐ผ๐ฟ ๐. ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ at outgoing ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ต๐ฎ๐น ๐๐น๐ณ๐ฟ๐ฒ๐ฑ๐ผ ๐ฉ๐ถ๐น๐น๐ฎ๐๐ถ๐ฟ๐ฎ๐. Ang buong pamunuan ng bayan ng Limay ay nagpapasalamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at pakikiisa sa layunin ng lokal na pamahalaan at nagsilbing matibay na pundasyon ng ating mga tagumpay bilang isang komunidad. Ang selebrasyon na ito ay simula ng isang panibagong kabanata ng serbisyong may puso, lideratong may direksyon, at pamahalaang tapat na serbisyo at diretso sa tao.
๐ฃ๐๐ป๐ผ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป!
Isinagawa ngayong June 25, 2025 ang isang makabuluhang Tree Planting Activity sa Sitio Kinaragan, Brgy. Duale, Limay, Bataan bilang bahagi ng PagbaBAGo: A Million Learners and Trees Campaign ng Office of the Vice President. Sa pagtutulungan ng OVP, CENRO Pilar, PENRO Bataan, at ng LGU Limay, layunin ng aktibidad na makapagtanim ng 3,000 punla bilang ambag sa pangangalaga sa kalikasan at patuloy na edukasyon ukol sa kahalagahan ng mga puno sa ating kapaligiran. Ang pamahalaang bayan ng Limay ay lubos na nagpapasalamat sa OVP sa pagkilala at pagtitiwala na maisama ang aming bayan sa ganitong makabuluhang kampanya. Sama-sama tayong nagtatanim ng pag-asa, para sa isang mas luntiang kinabukasan.
๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฌ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐๐ถ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ณ๐ผ๐น๐ธ๐ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐บ๐ฎ๐
Sa patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Bayan ng Limay sa pangunguna ni Mayor Richie David, Vice Mayor Elect-Grace David, Vice Mayor Sarah David at SB Members, katuwang ang Municipal Agriculture Office, Department of Agriculture at BFAR, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mangingisdang patuloy na nagsusumikap para sa ikabubuti ng kanilang pamilya at ng ating komunidad. Ang pamamahagi ng mga kagamitang pangisda sa 30 registered fisherfolks ay bahagi ng ating adbokasiya na paunlarin ang kabuhayan sa sektor ng pangisdaan. Hinihikayat naming gamitin ito nang wasto at maayos upang higit pang mapalakas ang inyong hanapbuhay. Nawaโy magsilbing inspirasyon ito na patuloy tayong magkaisa para sa mas masaganang Limay, kung saan ang bawat mamamayan ay may pantay na pagkakataong umasenso.
๐๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐๐น๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐, ๐๐ถ๐บ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ผ๐น๐๐๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ถ๐ฐ ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฒ!
LPC proudly celebrates its outstanding LET performance for March 2025: Bachelor of Elementary Education: 92.59% passing rate (vs. 46.77% national rate) Bachelor of Secondary Education: 96.08% passing rate (vs. 62.27% national rate) Ranked 3rd among the Top 10 Performing Schools in the Philippines (50โ99 examinees) Salute to our dedicated faculty and hardworking passers!
๐๐ก๐ก๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐ก๐ง: ๐ ๐ข๐๐๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐๐๐๐๐จ๐๐
Sa pakikipagtulungan ng PSA, isasagawa ang PhilSys National ID Registration sa mga sumusunod na barangay: SCHEDULE: June 16-17, 2025 โ Reformista Barangay Hall June 18-19, 2025 โ Duale Barangay Hall June 20-21, 2025 โ Townsite Barangay Hall June 23-24, 2025 โ Kitang Barangay Hall June 25-26, 2025 โ Alangan Barangay Hall June 27-28, 2025 โ SF II Barangay Hall REQUIREMENTS: 0โ4 years old โข Birth Certificate โข Baptismal Certificate โข Health Card โข National ID ng magulang 5โ17 years old โข Birth Certificate โข ID ng magulang โข Barangay Certification with picture โข School ID na may nakalagay na birth place at birthday ng bata 18 years old and above โข Valid ID โข Voterโs Certification โข Barangay Clearance with picture โข ID na may nakalagay na birthplace at birthday PAALALA: Mangyaring dalhin ang lahat ng kinakailangang dokumento upang mapabilis ang proseso ng pagpaparehistro. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa inyong Barangay Hall o tanggapan ng Municipal Civil Registrar. Maraminf salamat po.
๐ฃ๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐จ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ข๐๐๐๐๐ ๐ข๐ ๐ง๐๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฅ
Inaabisuhan ang publiko na sa pagkuha ng ๐๐๐ญ ๐ฟ๐๐๐ก๐๐ง๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ, ๐พ๐๐ง๐ฉ๐๐๐๐๐๐ฉ๐ ๐ค๐ ๐๐ค ๐๐ข๐ฅ๐ง๐ค๐ซ๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ / ๐๐๐ฉ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ง๐ค๐ซ๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ, ๐๐ฉ ๐๐๐๐ก ๐๐ง๐ค๐ฅ๐๐ง๐ฉ๐ฎ ๐๐๐ญ ๐๐ง๐๐๐ง ๐ค๐ ๐๐๐ฎ๐ข๐๐ฃ๐ฉ, kinakailangan pong magsumite ng mga sumusunod na dokumento para sa pagproseso: Kung ang humihingi ay ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐ง๐-๐๐ง๐๐๐ฃ:โข Authorization Letter mula sa may-ari ng property o Special Power of Attorney (SPA)โข Photocopy ng valid I.D. ng may-ari ng property at ng humihingi Kung ang nakapangalan sa property ay ๐๐๐๐ผ๐ ๐ฃ๐:โข Kopya ng Extrajudicial Settlement of Estate mula sa mga tagapagmana Kung ang property ay ๐๐ผ๐ฝ๐๐ฝ๐๐๐ pa lamang at ang titulo ay nasa PROSESO pa ng paglilipat:โข Notarized Deed of Sale o Special Power of Attorney (SPA)โข Photocopy ng valid I.D. ng dating may-ariMahigpit pong ipinatutupad ang mga patakarang ito upang matiyak ang maayos, mabilis, at tamang proseso ng mga transaksyon sa aming tanggapan. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at kooperasyon. Office of the Municipal Assessor
๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐ถ๐ฎ๐น ๐ช๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐๐ต ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด | ๐๐๐ป๐ฒ ๐ญ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
Bilang paggunita sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, isinagawa ngayong araw ang Ceremonial Wreath Laying bilang pagpupugay sa mga bayaning nag-alay ng buhay para sa ating kasarinlan. Ang wreath laying o pag-aalay ng korona ng bulaklak ay isang makasaysayang seremonyang ginagawa bilang simbolo ng paggalang, paggunita, at pasasalamat sa mga taong nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bayan. Dumalo sa makabuluhang pagdiriwang na ito sina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Elect-Grace David, Konsehal Newr Tayag, Konsehal Cecil Roxas, SK Federation, mga kinatawan mula sa BFP, PNP, Department Heads, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Limay na sama-samang nagbigay ng respeto at pasasalamat sa mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating bayan. Hindi malilimutan ang kanilang kabayanihan at ito ang tunay na pundasyon ng ating kasalukuyang kalayaan
2024 State of the Municipality Address (SOMA)
๐ฃ๐๐ฅ๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐ก๐๐ ๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ๐ก๐๐ก๐๐ ๐ฆ๐ฌ๐ฆ๐ง๐๐ (๐ฃ๐๐ฆ) ๐ข๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐บ๐ฎ๐
Ngayong Hunyo 11, 2025 ika-10 ng umaga sa Municipal Mayor’s Office ay pinangunahan ng ating mahal na Mayor Richie Jason D. David at sa buong suporta ni Governor Joet Garcia ay opisyal nang inilunsad sa ating Pamahalaang Bayan ng Limay ang PGS na nakapaloob sa Memorandum of Agreement (MOA). Ang nasabing kasunduan ay pinirmahan nina ISA CEO – Mr. Evaristo S. Francisco, Jr. at Mayor Richie Jason D. David, na sinaksihan nina Governor Jose Enrique ‘โJoet’โ Garcia III, ISA Program Management Unit Head – Maria Jose Guadalupe R. Luisito, at HRMO and MSWD Section Head – Ms. Faye Fernando. Ang Performance Governance System (PGS) ay isang sistema na magbibigay sa lahat ng ating mga kawani ng kakayahan at kaalaman na magawa ang kani-kanilang takdang tungkulin na ang tanging inspirasyon ay makapaglingkod “mula sa puso” sa ating mga kababayan sa mabilis, angkop at epektibong pamamaraan. Hangad din sa proseso ng PGS ang pagsasaayos ng mga sistema, pamamaraan at polisiya na magiging gabay, pamantayan at sukatan sa kaayusan ng serbisyo ng bawat kawani, departamento, at sa tamang paggamit ng pera mula sa kaban ng bayan na siguradong tutugon sa pangunahing pangailangan ng ating mamamayan. Isang paglilingkod na walang itinatangi at walang maiiwanan. Dumalo at naki-isa sa makasaysayang kaganapan na ito ang ating Vice Mayor-Elect Grace David, Konsehal Dennis Gochuico, Konsehal Bart Reyes, mga Department Heads, miyembro ng ibat-ibang Sectoral groups sa Limay at mga kinatawan mula sa pamunuan ng lalawigan ng Bataan sa pangunguna ni Ma’am Myrna Roman ang PGS Focal Person ng City of Balanga at ng Probinsya ng Bataan. Ang historical event na ito ay pinangasiwaan ng ating LGU Limay PGS Focal Person Konsehal Manny Ambrocio. Salamat sa Diyos