Ang inyong lingkod Mayor Richie Jason David kasama ang Engr Department po ay dumalo sa isang pagpupulong sa pamunuan ng Philippine Reclamation Authority (P.R.A.) noong Pebrero 28, 2025 upang talakayin ang mga suliranin at mga kaukulang legal na dokumento ukol sa ating paggamit ng lupa na kanilang pag-aari.Malugod po silang tinanggap ng buong pamunuan. Sa katunayan, ipinaabot nila ang kanilang galak at suporta sa proyektong sinimulan ng dating yumaong Mayor NCD. Ito daw ay natatangi sa buong bansa at inaasahang makakadulot sa ating lokal na turismo,paggaan sa trapiko,proteksyon sa malalaking alon at magandang sikolohikal na benepisyo sa ating mga kababayan lalo na sa sariwa at magandang tanawin dito.Patuloy pong makikipagugnayan Team 1Limay sa pamunuan ng PRA upang ipagpatuloy ang nasabing proyekto. Muli, umasa po kayo at magtiwala sa inyong lingkod na ito ay umuusad ayon sa proseso. Huwag po tayong basta maniwala sa mga balitang naglalayon na linlangin tayo sa mga maling impormasyon. Patuloy po kayong bibigyan ng update ukol sa usaping ito. Maraming salamat po! Pagpalain nawa tayo ng ating Poong Maykapal.
π ππ¬π’π₯ π₯πππππ πππ©ππ, ππ¨π ππ¦ππ§π π¦π π¦ππ§ππ’ π ππ πππ
Bumisita si Mayor Richie Jason David sa Sitio Mamala upang kamustahin ang mga mamayan na nakatira sa nasabing lugar. Nilinaw rin ni Mayor Richie ang mga fake news na kumakalat na maaaring mawalan ng mga kabahayan ang mga tao dito. Ipinaliwanag ng ating butihing Mayor ang layunin ng ating Lokal na Pamahalaan tungkol sa programa ng mga pabahay at maaaring makatulong sa mga lehitimong taga Limay na walang sapat na kakayahan bumili ng sariling tahanan para sa kanilang pamilya. Hangad ng ating pamunuan na magkaroon ng maayos at payapang pamayanan ang buong bayan ng Limay. βTapat na Serbisyo, Diretso sa Taoβ
PABATID!
Isasagawa ang Periodic Intensification of Routine Immunization! Ito ay catch-up o pagbabakuna ng mga hindi nabakunahang bata: Ang iskedyul ng pagbabakuna ay nakadepende ayon sa edad ng mga bata: Sa mga batang may Edad 0-23 Buwan: ang iskedyul ay sa Marso 3-14, 2025. Sa mga batang may Edad 24-59 Buwan: ang iskedyul ay sa Marso 17-28, 2025. Siguraduhing kumpleto ang bakuna ng inyong mga anak! Makipag-ugnayan sa inyong mga health care workers sa mga Barangay Health Stations para sa karagdagang impormasyon at iskedyul. Sama-sama nating protektahan ang kalusugan ng ating mga kabataan!
Limay Pawikan Hatchery
Nakaraang taon ng Oktubre, matatandaan na ang ating pamunuan kasama ang Petron Foundation, Provincial ENRO, Limay MENRO, at Brgy. Kitang II at Luz ay nagkaroon ng ground breaking para sa magiging pasilidad ng Limay Pawikan Hatchery. Kamakailan lang ay nagkaroon ng ganap na pagtitipon at unveiling ceremony kung saan napagusapan ang mga hakbang upang maging sustainable ito at maging isang popular na tourist destination. Ang lokal na advocasiya ng gobyerno ay isang paraan upang maprotektahan ang mga pawikan at patuloy itong mapangalagaan dahil sa malaking ambag nito pagdating sa marine ecosystem. Bukod pa dito, makikinabang din ang komunidad sa mga benepisyo ng turismo na magdadala ng mga oportunidad sa trabaho at kabuhayan. Sama-sama nating protektahan at ingatan ang likas na yaman ng Limay sa pamamagitan ng inyong suporta dahil ito ay magiging patunay ng kahalagahan ng pangangalaga sa ating mga pawikan.
πππ¬ππ‘ π‘π πππ ππ¬ ππππ π£ππ’π‘ π¦π ππ‘π§ππ₯ π§π’πͺπ‘ π-π¦π£π’π₯π§π¦
Tinanghal na kampeon ang Bayan ng Limay sa ginanap na Inter-Town E-Sports. Tinalo ng Limay ang Bayan ng Abucay sa championship match. Nirepresenta nina C-Jay Gonzales, Ascon Dizon, Rocky Busi, Pol Mendez, Ace Del Mundo, at John Michael Ala ang Bayan ng Limay.
Bataan Healthy School Setting
Ginanap kahapon, February 28, 2025 ang launching ng Bataan Healthy School Setting sa ating bayan na pinangunahan ni Mayor Richie Jason David, kasama ang Deped Representative Dr. Jennifer Alip, Provincial Health Promotion Board Staff Mr. Gabriel Ibasco, Limay Deped Supervisor and Principal, MHO staff. Ang programang Bataan Healthy School Setting ay inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ng ating mahal na Gobernador Joet Garcia. Layunin nito na mamulat ang mga kabataan na ang pagkain ng masustansyang ulam ay magdudulot sa isang malusog at malakas na pangangatawan. Ang pamahalaang bayan ng Limay ay kaisa sa layuning panatilihing malusog at malakas ang katawan ng mga kabataan sa ating bayan. Tayo ay nanguna sa pagsimula ng aktibidad na ito sa ating lalawigan at sa pagtutulungan ng pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, buong Sangguniang Bayan Members at Tourism Chairperson Grace David ay nabigyan ng pondo ang nasabing programa. Kasabay ng programang ito ay ang selebrasyon ng Oral Health Month. Ating binigyan ng Dental check-up ang ating mga estudyante dahil parte ng magandang kalusugan ang matibay at malinis na mga ngipin at sila ay nakatanggap rin ng libreng dental-kit.
March is Fire Prevention Month!
Maging handa at maalam sa mga sanhi, epekto, dapat at di dapat gawin upang maiwasan ang sunog na maaring magdala sa atin sa kapahamakan. Narito ang ilang paalala mula sa pamahalaan ng Limay.
Fire Prevention Month Kick-Off
Ngayong umaga, Pebrero 28, dumalo si Mayor Richie Jason David sa Fire Prevention Month Kick-Off upang ipagdiwang ang kahalagahan ng kaligtasan laban sa sunog. Sama-sama tayong magtulungan upang mapanatili ang kaligtasan ng ating komunidad. Alamin ang mga tamang hakbang at magkaisa para sa isang ligtas na kapaligiran! Siguraduhin ang mga de-koryenteng kagamitan ay hindi sira at laging nakapatay kapag hindi ginagamit. Huwag mag-iwan ng mga gamit na madaling magdulot ng sunog. Magkaroon ng fire extinguisher at magturo sa pamilya kung paano ito gamitin. Regular na i-check ang mga fire exits at fire alarm systems sa inyong tahanan at trabaho. Sa pamamagitan ng tamang impormasyon at paghahanda, makakaiwas tayo sa sakuna. Sama-sama, magtulungan tayo para sa kaligtasan ng bawat isa!
Lokal na Pamahalaan ng Limay para sa mga estudyante ng pampublikong elementarya
Muling namahagi ng libreng school uniform ang Lokal na Pamahalaan ng Limay para sa mga estudyante ng pampublikong elementarya. Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng Pamahalaan sa panguguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, ang buong SB Members, at Tourism Chairperson Grace David, na layuning mas suportahan ang mga mag-aaral at kanilang mga pamilya. Ang mga libreng uniporme ay nagdudulot ng maraming benepisyo, kabilang ang pantay-pantay na pananamit, at mas magaan na gastusin para sa mga magulang. Nakakatulong din ito sa pagpapalaganap ng disiplina at kaayusan sa mga mag-aaral, habang pinapalakas ang kanilang focus sa pag-aaral dahil hindi na nila iintindihin ang kanilang susuot na pamasok sa eskwelahan. βTapat na serbisyo, Diretso sa tao.”
2024 Good Financial Housekeeping Passers
Isang malaking pagbati sa lokal na pamahalaan ng Limay sa pagkamit ng 2024 Good Financial Housekeeping recognition! Ang tagumpay na ito ay patunay ng inyong dedikasyon sa tamang pamamahala ng pondo at tapat na pamamahala. Kasama rin ang ibang bayan at ang buong probinsya ng Bataan sa karangalan na nagpapakita ng kolektibong pagsisikap para sa isang mas transparent at accountable na gobyerno. Patuloy na magsilbing halimbawa ang Limay sa pagpapalaganap ng magandang pamamahala at serbisyong tapat!