Ang Pamahalaang Bayan ng Limay sa pangunguna ni Hon. Richie Jason D. David, Sangguniang Bayan members, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Section, Persons with Disability Affairs Office, Limay Federation of PWDs, at Local Council for the Protection of Children, ay nakiisa sa pagdiriwang ng National Autism Consciousness Week. Alinsunod sa ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ก๐ผ. ๐ณ๐ญ๐ญ, ๐. ๐ผ๐ณ ๐ญ๐ต๐ต๐ฒ, ang ikatlong linggo ng Enero ng kada taon ay inilalaan sa paggunita ng ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐๐๐ถ๐๐บ ๐๐ผ๐ป๐๐ฐ๐ถ๐ผ๐๐๐ป๐ฒ๐๐ ๐ช๐ฒ๐ฒ๐ธ, sa paglalayong palaganapin ang kamalayan, pag-unawa, at pagtanggap sa mga indibidwal na may autismo. Ngayong taon, ito ay may temang โPag-angat ng mga Lider Para sa Pagsulong ng Lipunang Walang Naiiwanโ. Ang aktibidad ay sinimulan sa pagkakaroon ng pagbibigay kaalaman tungkol sa Autism na pinangunahan ni Maโam Charito D. Santos, Special Needs Education Teacher. Kasabay nito ay ang pagpapadaloy ng coloring activity para sa dalawampu’t limang (25) batang mag-aaral ng SPED mula sa Limay Elementary School. Layunin ng programang ito na mas mapalawak pa ang kamalayan sa autism, makahikayat ng karagdagang suporta para sa mga indibidwal na may autism, at hikayatin ang lahat na maging mas inklusibo ang bayan ng Limay.
๐๐ถ๐บ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ธ ๐ฃ๐น๐ฎ๐๐ด๐ฟ๐ผ๐๐ป๐ฑ, ๐ฃ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐๐ธ๐๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ผ
Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, pormal nang binuksan kahapon, Pebrero 14, 2025, ang mga bagong palaruan sa Limay Park. Ito ay handog ng ating butihing Mayor Richie Jason David, Tourism Chairperson Grace David at Vice Mayor Sarah David kasama ang mga Sangguniang Bayan Members, upang magbigay kasiyahan sa buong pamilya at kabataan na bumisita sa parke. Hangad namin na mapangalagaan ang mga pasilidad na ito upang magamit ng mas maraming kabataan at maging kapaki-pakinabang sa ating buong bayan ng Limay.
Maligayang Araw ng mga Puso, Limayans!
Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang iba’t ibang anyo ng pagmamahalโsa pamilya, kaibigan, at sa bawat isa sa ating komunidad. Ang Pamahalaang Bayan ng Limay ay patuloy na maglilingkod nang tapat para sa inyo, dahil kayo ang aming inspirasyon. Muli, Maligayang Araw ng mga Puso mula sa Pamahalaang Bayan ng Limay
25 Central Luzon HEIs vie for WURI 2025; CHEDRO III champions global competitiveness, educational innovation
Ikinagagalak naming batiin ang buong koponan ng Limay Polytechnic College (LPC), sa pangunguna ni Dr. Elmer de Leon, sa kanilang kahanga-hangang tagumpay. Ang inyong dedikasyon, sipag, at hindi matitinag na pagsusumikap ay nagbigay daan sa pagkilala ng LPC sa World University Ranking for Innovation (WURI). Talaga namang kapuri-puri ang inyong galing at commitment sa pagpapalago ng kolehiyo. Isang taos-pusong pasasalamat din kay Mayor Nelson C. David, ang nagtatag ng LPC, na naglatag ng pundasyon at nagbigay buhay sa pangarap na ito. Patuloy ang suporta ni Mayor Richie David, Vice Mayor Sarah David, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pagpapalago ng kolehiyo. Kamiโy labis na nagpapasalamat sa bawat isa sa inyoโmga guro, mag-aaral, at mga kawaniโna nagbigay ng kanilang makulay na kontribusyon para sa tagumpay na ito. Ang inyong liderato, pagkakaisa, at malasakit ay isang tunay na inspirasyon para sa lahat. Congratulations sa inyong lahat at patuloy na tagumpay!
๐ ๐๐๐๐๐ฆ๐จ๐ก๐ข๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ข ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ช๐ข๐ ๐๐กโ๐ฆ ๐๐ง ๐ ๐๐กโ๐ฆ ๐ฉ๐ข๐๐๐๐ฌ๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ
Sa ginanap pong laban ngayong araw, ika-13 ng Pebrero parehong nagwagi sa magkasundo na laban ang Bayan ng Limay kontra sa Bayan ng Samal. Sa unang laban, tinalo ng Limay Womenโs Volleyball Team sa iskor na 25-17 at 25-23. Sa laban naman ng Limay Menโs Volleyball Team tinalo ng kupunan ang Bayan ng Samal sa iskor na 25-20 at 25-14. #1Limay
๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ป๐ฒ’๐ ๐๐ฎ๐ ๐ฆ๐ต๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐บ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ธ ๐ผ๐ป ๐๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ญ๐ฐ, ๐๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ ๐ฐ:๐ฌ๐ฌ๐ฝ๐บ
Tara na at damahin ang romantic feels sa Limay Park ngayong Biyernes, simula 4pm! Sa malamig na hangin at agos ng alon sa tabi ng dagat, tamang-tama ang vibe habang nakikinig sa mga tugtugan, kantahan at sayawan mula sa mga Bandang Limayans na Zingy Band, Science Project, Sound Group Band at mga pagtatanghal ng Limay High School. Maki-jamming, mag-enjoy, at magsaya kasama ang inyong mga mahal sa buhay habang mag-eenjoy sa mga kainan sa mga local establishments ng Limay. Isang gabi ng pagmamahal at kasiyahan, puno ng tamis at romantikong alaala! Huwag palampasin ang pagpaparamdam ng pagmamahal mula sa Limay Tourism Council sa pangunguna ni Tourism Chairperson Grace David at ng Pamahalaang Bayan ng Limay sa pangunguna ni Mayor Richie David, Vice Mayor Sarah David at SB Members
๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ ๐ก๐๐ ๐ช๐๐๐ ๐๐ข๐ก๐ง๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐ข๐ฆ๐
Nakamit ng Bayan ng Limay ang unang panalo sa larong basketball ngayong araw laban sa Bayan ng Hermosa sa iskor na 93-85. #1Limay #1Bataan #1BataanSportsFest
๐๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐๐น๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป!
Muli na namang napabilang ang barangay Alangan sa mga nakapasa para sa ๐๐๐๐ก ๐ค๐ ๐๐ค๐ค๐ ๐๐ค๐๐๐ก ๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฃ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ค๐ง ๐ฝ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ๐จ (๐๐๐๐๐ฝ) para sa taong 2024. Ito ay isa lamang patunay na ang pamunuan ng Barangay Alangan sa pangunguna ni Kapitana Teresita Dela Rea kasama ang kanyang mga Kagawad at iba pang empleyado ay talaga namang nagkakaisa pag dating sa pag bibigay serbisyo sa kanilang mga nasasakupan. Hangad namin ang inyong patuloy na pag-unlad at tagumpay sa inyong buong pamunuan.
MAYOR RICHIE JASON D DAVID
“Paglilingkod Mula sa PUSO” Kahapon ika-3 ng Pebrero ay nagkaroon muli ng makabuluhang ugnayan ang ating Mayor Richie Jason D David sa ating masipag naTESDA Bataan Director Mariflor Liwanag patungkol sa pagpapalawak ng mga hatid na “skills and livelihood trainings” para mas makatugon at makatulong sa pagpapatatag ng katayuan ng bawat pamilya sa ating bayan ng Limay. Isa sa napiling lugar na pagtatayuan ng community-based training center ay ang dating pwesto ng Municipal Health Center. Ipinapahanda na ni Mayor Richie ang magiging layout at ang ibang mga kakailanganin para masiguro ang matagumpay na serbisyo sa ating mga kababayan. Magkakatulungan ang TESDA at ang PESO kasama ang ibang mga pribadong sponsors na gustong makibahagi.sa makabuluhang gawain na ito. Nais din ni Mayor Richie na maiangat ang estado ng mga PWD, mga kababaihan lalo na ang mga Solo Parents na matulungan nating itawid sa kahirapan ng kani-kanilang sitwasyon. Naniniwala si Mayor Richie na ang tunay na paglilingkod ay nagmumula sa udyok ng PUSO na hangad ay magandang kinabukasan para sa lahat. Walang itatangi at walang maiiwanan. Pagpalain nawa tayo ng Diyos!
๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฒ
Pebrero 03, 2025, sa pamumuno ng ating Mayor Richie Jason D. David, ay ipinagkaloob ng Pamahalaang Bayan ng Limay, ang Php 100,000 birthday incentive para sa ating CENTENARIAN na si Lola LOURDES PANGILINAN DE GUIA, residente ng Barangay Poblacion. Ang insentibong ito ay ibinabahagi ng lokal na pamahalaan sa mga kwalipikadong nakatatanda o senior citizens na nagdiriwang ng kanilang ika-isang daang taon, sa bisa ng ating lokal na Resolution No. 2019-130, Resolution Granting Incentives and Special Privilege to Senior Citizens of the Municipality of Limay,Bataan who have reached one hundred years of age in the amount of One Hundred Thousand Pesos. Bukod pa rito ang insentibong matatangap din mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) na Centenarian Cash Gift, alinsunod sa Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act. Pinangunahan ni Konsehal Mel Fernando (Commitee Chairperson for Senior Citizens and Persons with Disabilities) kasama ang kanyang Vice Chairman na si Konsehal Bart Reyes ang paggawad ng lokal na insentibo, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Section (MSWDS) Head Faye Fernando, Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) Head Jaime Apro, Office of the Municipal Treasurer representative, at Poblacion Municipal Federation of Senior Citizens Association (MUFESCA) President. Isang maligayang pagbati sa iyong ika-100 kaarawan, Lola Lourdes! Dalangin po namin ang inyong patuloy na kalakasan at kasaganaan.